Tuesday, May 5, 2009

ang sasakyang lila.

noong bata ako.natatandaan kong gabi-gabi kong hinihintay ang lilang sasakyan ni tita.as in gabi-gabi talaga.hindi ako matutulog hanggat hindi dumadating un kasi naman hinihintay ko talaga kung may dala syang pasalubong sa'kin.inaamin kong die hard ako dati sa mga
mc donalds toys na lagi nyang dala for me.ako ung tipong kapag may nakita na akong bagong patalastas ng mc donald toys sa t.v. ay kailangan na naming magpunta sa mcdo.yup ganito ako katindi.at dapat kumpleto ung set ng toys na yun kundi...haha.


lagi kasi akong pinapasalubungan ni tita ng toys ng mc do.or sadya talagang nagpapabili na ko sa sobrang desperado ako.haha.uhh ang lilang sasakyan ay kotse.oo kotse ni tita na ginagamit nya sa work.uh pero ngayon silver na sya.kinder pa naman ako nun kaya matagal na talaga.haha.hindi ko lang talaga malimutan yung kadesperaduhan ko.at natatawa at napapangiti na lang ako kapag nakakakita ako ng patalastas ng mc do.at lalo na ng mga batang die hard din dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila.

bakit nga ba ako die hard??? haha.hindi ko rin alam.basta ang alam kong masaya ako kapag meron ako nun.oo material boy ako nun.haha.so what?! at naaalala ko pa na nag-uunahan kami ng mga childhood friends ko na makumpleto ung set ng toys.haha.lagi akong kulelat nun pero there was a time na ako ang pinakanaunang nakakumpleto sa set at ayon ung pinakapaborito kong mc donald toy.ung makakabuo ng space ship...ang ganda talaga nun.

memories that will remain forever.
hinding-hindi ko malilimutan ang lilang sasakyan na yun.
uhh asan na nga ba ang mga playmates ko noon???
haha.ayun nakatambak sa likod ung iba ung iba nakadisplay at ung iba sawing palad ng nawala na sa paglipas ng mga araw.hay share ko lang.
salamat tita.♥

No comments: