Tuesday, April 7, 2009

sa pagkalanta ng mga bulaklak..-drama.:|



sana kahit na lanta na 'tong mga bulaklak
na isinabit sa ating mga leeg noong tayo ay nagtapos
ay hindi matatapos ang ating pagkakaibigan

sa pagkalanta ng mga bulaklak sana ay hindi
makalimutan ang mga masasayang sandaling
pinagsaluhan sa loob ng paaralan

apat na taon din iyon,
sa tawanan,harutan,sigawan..at marami pa

hinding-hindi ko malilimutan ang bawat sandaling
kayo'y kapiling ko.

sa pagkalanta ng mga bulaklak
ay patuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata
hindi matutumbasan ng ano man ang pinagsaluhan natin

bawat araw ay kay saya ko kapag kayo'y kapiling ko
kaya sa pagkalanta ng mga bulaklak ay puso ko'y
hinagpis ang inabot.

pero alam kong hindi pa ito ang huli mga kaibigan
at kamag-aral.
magkita-kita tayong mula at ibalik ang ning-ning
ng mga araw na lumipas.

mga araw na lumipas na hinding-hindi malilimutan
sa kabila ng lantang mga bulaklak.

~on the spot poetry...kenkun orig.

No comments: