Saturday, January 23, 2010

hatak ni kamatayan.

nangyari 'to 'nung hell week
Jan. 18-22, 2010

to be specific it happened January 20 Wednesday.

kulang na kulang ang tulog ko nun kasi nga hell week.daming inaaral tapos daming chapters ang binasa ko.

gumising ako ng madaling araw para ituloy ang pagbabasa then
naidlip ako at dito na ko sinimulang hatakin ni kamayan...

 
greatest fear ko ang snakes/ahas...
hindi ko na matandaan kung saan at paano nagsimula ang kwento sa aking panaginip.
ang natatandaan ko na lamang ay tinatakot ako ng ka-roommate ko 'nung nakakita kami ng ahas sa isang lugar (parang zoo) at iyon na nga.takot na takot ako.
tapos pakiramdam ko na lang may humahatak sa akin.talagang hatak!
nakakatakot kasi 'ung pakiramdam ko gusto ko ng magising pero hindi ako magising.ang akal ko pa nga ginigising na ko nung roommate ko.Pero buti na lang nagising ako agad kong tiningnan 'ung roommate ko pero mahimbing siyang tulog.
E sino ang humahatak sa akin? grabe
nakakatakot.
ang hirap huminga
...Muntik na ko 'dun ah.


ayaw ko ng maulit pa 'yon. (ang mabangungot)
ayaw ko ng muling mahatak ni kamatayan,
dahil baka sa susunod ay hindi na ko makaalpas pero 'wag naman sana.
~thank you God.:)

No comments: