Sunday, November 8, 2009

looking back at my puerile acts.

late post. *again

November 6, 2009


ayun nagpunta sa SM Pampanga para bumili ng gift for Meg.
ayun sumakit na paa ko kaya bumili na agad ako.then mga around 5 pm siguro yun nagtext na si Tita B kung sasaby daw ba ako pauwi sabi ko opo kaya ayun nag-abang na ko sa may Pizza Hut.

sa car todo kwentuhan kami ni Tita. Kumustahan kasi hindi kami nagkita nung Nov. 1 e.haha.ayun kinukumusta ung buhay ko sa Manila kung anu-ano pa.buhay eskwelahan.tulad ng kopyahan.ang saya talaga nun! laughtrip with Tita. matagal-tagal rin un tapos nung dumating comp. lang ako agad.

tapos bigla akong tinawag ni Tita B.Tapos tinanong kung may ginagawa daw ba ko sa comp. namin e tutal mag-CA-CABAL OL lang naman ako nun sabi ko wala naman.E kailangan daw makicomputer nila Neo (pinsan) kasi sira daw ung computer at mag-O-OL ung daddy nila na nasa ibang bana kaya ayun.kinabit na namin ung webcam tapos ayun.start na!
chat-chat-chat
hay masaya naman kwentuhan kami nila Neo,Nikki (mga pinsan) dun sa may table kasi si Nica (pinsan) e busy pa sa pakikipag-chat sa Daddy nila.napag-usapan namin ung Resident Evils 2,3,4 ang saya.haha.On Line games.
Audition, CABAL, RAN, plants VS zombies at Left 4 Dead!
ang saya nga nun e.HAHAHA.xDDDD

tapos sumingit na si Nica tungkol naman sa mga teleserye ung pinag-uusapan namin.hindi ko alam kung paano umabot dun.HAHA.:)) ayun Darna, Santino.tawa kami ng tawa habang pinagkwe-kwentuhan namin un.kinukwento nila sa'kin ung mga nangyayari dun kasi hindi ako nakakapanood nun.aun.super fun!

tapos dinner na.kain na kaming magpipinsan at binalikan namin ung mga nilalaro namin nung bata pa kami.ang dami talaga nun.araw-araw un.walang tigil mula umaga hanggang gabi kapag bakasyon! whooo!!! saya! laughtrip!

list ng nilalaro:


1.challenges (amazing race type)
-uminom ng 1 liter na tubig
--piliting matulog ng tanghali kahit hindi inaantok
---kumain ng Oishi na maanghang
----hanapin ang next clue
2. uh.warriors daw kami tapos hanap ng sari-sariling power.haha.
we remembered hanger ung baril namin nun tapos may mga pamaypay na mga nasira dahil sa'min at hanger dahil sa laro naming un.

 
maytime pa nga daw na bumaha sa loob ng bahay dahil sa kanila e.haha.wala kasi ako nun e.kaya hindi ko nakita.tsk

3. beloy
4. bending
5. syete palabra na may muntik ng masunog.HAHA
6. luses na muntik ng makabulag kay renz.(new year) XDDD
7. umiikot sa apoy na parang ewan.pero masaya! para kaming tribo.HAHA.(new year din)
8. gumagawa ng bahay gamit ang kumot.
9. perya-peryaan.HAHA.
10. haba buhok
11. takip-silim.ayos to.super fun.ung may isang nakapiring tapos o-out-in kami sa terrace namin to nilalaro para masaya kasi medyo masikip ang terrace nila lola e.HAHA.
12. tonghits.walang tulugan to!!! haha.piso-piso ang bayad.,HAHAHA.
13. volleyball
14. jaypoid (lipo) HAHAHA.un eto sa kama to tapos papatungan kmai ng kutson sa ibabaw tapos may aapak-apak sa'min kami naman sigaw ng sigaw,HAHA.sakit kaya! may mga tawag pa sa mga lakad at pag-li-lipo sa'min example Godzilla.HAHAHA.:)))
15. summer job.HAHA.

ilan lang to sa mga kalokohan namin nung bata kami.ang sasaya!
sarap balikan!!! whooo!!!
laro tayo ulit minsan mga pinsan.saya!!!

No comments: