Sunday, December 26, 2010

Mga Bituing Itinakwil ng Kalangitan.

Sa roof top,
Ang lamig ng sampal ng hangin
Dampi ng lungkot ng lumipas ng araw.
Kita ko ang lawak ng paligid
Ang daming ilaw, ang tahimik ng kalye
Malayo sa nakagawiang sa naglalagablab na araw.
Ang payapa ng langit, kay lungkot ng ulap.
Nakalulula ang tayod, tila hinihinkayat kang tumalon.
Hindi sumilay ang buwan, nagtago ang mga tala.
Dama ko ang angking kinis ng bubungan
Ang alikabok na nakakalat sa hagdanang bakal.
Saksi ako sa pagtatalo ng dilim at nagpupumilit na liwanag
Hindi nakita kahit ni anino ng bulalakaw
Kaya bigo't walang nagawa't dahan-dahang bumaba
At baka magising pa ang ibang nahihimbing sa kanilang kama.
12-14-10
room 416
Saint Raymunds Building
University of Santo Tomas
8:50 AM (Human Resource Management Class)

Sunday, December 19, 2010

In Memory of my Nokia 5300.

12-17-09 how can I forget? haha. 'yan ang araw kung kelan kinuha ni Hudas sa'kin an cellphone at pera ko gamit ang hipnotismo. Ang tanga, OO ang bobo, Sobra! Pero naka-move on na ko. It's been a year 'nung nanakaw siya sa Lacson.

'Nung gabi ng 12-16-10 iniisip ko kung mananakawan ba ko kinabukasan. Sumpa na kumbaga, Paskuhan pa naman. Marmaing tao pero gising ako 'til 5 AM of 12-18 pero ano? hawak ko pa din ang cellphone ko at ang pera ko ay nakatago sa wallet ko. Walang sumpa kumbaga! saya!


Buhay pa kaya 'ung satanas na kumuha ng mga gamit ko last year? Hindi na siguro? Ako ang pinakamalakas na tatawa kung nalaman ko. Pero paano kaya siya namatay if ever? nasagasaan ng train? LRT? MRT? Nabundol ng bus? jeep? fx? taxi? pedicab?! o baka naman ng kuliglig. O well, kung ano man ang nangyari sa kanya he deserve it. Kung buhay pa naman siya MAMAMATAY ka din! 

Isa ka na alng memorya at parating na ang Iphone, konting tulog na lang.

Saturday, December 11, 2010

Pundidong Mata.

Ang hirap makita ang nasa malayo
Kay labo, kay gulo, delikado
Obligado kang lumapit, ang sakit sa ulo.

Salamin sa mata ang uso
Upang makita ang tunay na pagkatao
Pundidong mata man ang na sa'yo
Importante pa rin ang nilalaman ng puso.

-kenkun original,12-10-10,10:04 PM,room 503 D.G. Dormitory

Chasing Perfection.

Wall size mirror surrounding my hurting ego
Cameras stay put waiting for over usage
Vanity completes the perfect crime I commit
As I seek for perfection every moment of this life.

Every minute is a mirror routine
Seems like every way is a T-stage to ramp on
Feels as if daily is a fashion show
Celebrity and model the way I project on.

Come forward to take a closer look
See the imperfections that I hate to have
Scars of the past, unerasable marks
Trying hard to escape the unlimited flaws which lies within.

Frustrated and desperate to be loved 100%
Perfectionist dies with a single failure happened
No matter what I do, being perfect is impossible
Because I'm just a fool who believes that I can chase perfection.
-kenkun original, 12-10-10, 9:53 PM, room 503 D.G. Dormitory

Huling Hiling Bago ang Huling Hininga.

Kay tagal kong hinintay
Kay tagal kong inasam
Sa wakas naganap na
Na akala'y hanggang panaginip lang.

Pero huli na ang lahat
Ako'y sugatan at hapo na
Bawas na ang kilig
Dahil sa sugat na malalim.

Bakit ba kasi ngayon lang nangyari?
Huli na ang lahat para sa'tin
Pero mahal pa rin naman kita anu pa man 
Sasabihin kong muli, mahal kita. Mahala na mahal.

Pero sa tuwing naiisip kong ako lang ang umiibig
Nanunumbalik lahat ng luha't sakit sa puso
Pero hindi pa rin kita matanggihan
Isang sabi lang ay kakaripas ako, masunod ka lang.

Siguro hanggang ganito na lang talaga
Hindi ko na kailangang umasa sa'yong wala naman akong inaasahan
Sapat ng maganap ang matagal ng hiling
At pagdating ng huling oras ko ay
        nakangiti akong pipikit at lilisan sa mundong ito magpakailanman.
-kenkun original,12-06-10, 9:41 PM, room 503 D.G. Dormitory.

Saturday, December 4, 2010

Newspaper Boy.

Ang ligaya mo 'nung makita mo ang bus na sinasakyan ko
Nakuha mo ang atensyon ko dahil ika'y isang paslit lamang
    at nasa gilid na ng mapanganib na kalsada.
Nang umandar na ang bus, ikaw nama'y tumakbo na tila
    ibong lumilipad sa himpapawid.
Nakisabay, gilid sa gilid na para bang hinahabol at dinadala
    ka ng ihip ng hangin
Ang ngiti mo'y 'di matumbasan ng atik na makukuha mo sa
    paghahatid ng dyaryong hawak mo
Napagod sa paghabol, naiwanan na ng ikot ng mundo at ano
    kayang kinabukasan ang sa iyo'y nakaabang?
~Divine Grace, 11-29-10, kenkun original.

Saturday, November 27, 2010

Galos.



Nadala sa bilis ng mga pangyayari
Ni hindi ko na namalayan
Na ako pala'y nagasgasan na.

Tila patalim, nakakasugat
Ingatan ang paghawak
Huwag padalos dalos ang kilos.

Ngunit buti na lang agad naagapan
Kundi kirot ay titindi pa
At ang galos ay lalalim at mag-iiwan pa ng marka.
11-27-10
Saturday
Bataan Transit (NLEX)
~credits to Deviantart.

Tuesday, November 9, 2010

False Love Story.

Our relationship was built on fantasy.
Prue Imagination, full of lies and truly painful.
~kenkun orig.
thanks for makin' me believe and for makin' me look like a fool.

The Bed Charisma.

alarm clock noise outshining the rooster
sleepy eyes saying "no" to another morning
seems like there's a magnet that pulls you back to it
fighting the force resisting sleeplessness
lying tired, sleeping never felt this better
bed curse's just around teasing you to be back to its pillars
be strong! avoid tardiness and fight the bed charisma
    because there's so much more waiting for you
    beyond imagination.
~kenkun orig.

Psychoneurotically Disturbed.

Zodiac will tell the end of this story of imaginary "us".
Undying love now and will always be part of my humanity
Reminiscing forever that I wish I can leave frozen
Crush as where all love starts, then it missed to fade
An unrequited love tastes like poisoned apple.
Loser as usual in this love offered game
Ever since I wanted to stop this sh*t, I swear
Don't make me feel special, Oh I forgot this' only possible in my thoughts
Zone forbidden from things to happen happily ever after.
Erasing you in my heart is another difficult story to write
Picking up my broken pieces to stand up and fake a smile
Over fatigue, shouts that you never heard
Letting you go is never been an easy task
No way to reality but in dreams you're always there.
Holding on something that can only happen in fantasy
Overwhelming me, you never fail to take my breath away
Joking myself that things will be fine and picture perfect
Out of your knowledge my heart tear into pieces.
Loving you more each and everyday
Running, screaming, trying to escape the fate
After tormenting myself, I still can't let you go
Can you really be the perfect one?
~11-09-10
kenkun orig.

Wednesday, November 3, 2010

let's call it a day.

wake up + eat + internet + eat + take a bath + sleep + eat + watch DVD + eat + sleep = DAY.

Monday, November 1, 2010



 letting go...
credits to Deviantart

Sunday, October 17, 2010

karera.

09.17.10

sa pagtigil ng traffic lights
unti-unting nagdaratingan ang mga kalahok
segundo na lang ang hinihintay
haharurot na naman sila, hari ng kalsada
nag-uunahan ang dalawang gulong
berdeng kulay ang tanda, simula na nang karera
                                 karera na sariling buhay ang nakataya.
~kenkun original
-credits to Deviatart
for the photo.

Now that I'm 18.

Years flew so fast blown by the wind of time. It was like yesterday's dream that I'm on my 18th year on the face of the Earth. I can vividly remember the things that I have done if it is happiness, a mournful circumstance, a first time experience, and of course those that I do every single day of my life. Eighteen years seems so fast, but a lot of trials and challenges that I've faced and test my humanity all by myself to reach where and who I am now.

August 25, 1992, a cry of a baby boy gave bliss to those who love and waited for him for almost 9 months. Eighteen years ago...Eighteen years. Still lots of life's lesson waiting to be unfold and to be learned. The age of majority.OMG I can go to jail! But I'll never let that happen. I won't make my eighteen years of stay for that. Never an option. O don't want another mistake, another regret! I'm now, evolved through time, improved by the hindrances and I've changed for the better and definitely not for the worst.

 At exactly 12:00 am of August 25, 2010, a better, matured, tougher, braver, wiser Kenneth was born. 

Friday, September 10, 2010

Panandalian...

'Di maasahang magugustuhan
Nagsimula lamang sa tapik sa likuran
Nagalak na may banas nang pag-trip-an
Bilang taga-salo ng bola sa iskoran.

Tila isang gayumang nakakaadik
Mahika mo'y may dala-dalang sabik
Na makita kang muling humahagikgik
Sa pag-ikot ng linggo tanda ng 'yong pagbalik.

Umamin sa kaibigan
Nagyon ay nagkaalamanan
Ibig din ang nagugustuhan
Ulupong sa biro ang turingan.

Sa pavilion, isang tanghali
Dumaan ka nang walang kahalili
Dila ay tila natali
Sunod tingin na lang hanggang gusali.

Hinanap ka sa kompyuter at kinaibigan
Agad tinanggap base sa kaibigan
'Di na masukat ang kagalakan
Agad-agad na tiningnan.

Dumating ang araw nang pagkikita
Aligaga at sabik kang makita
Pagka't kupido'y puso ko ang naasinta
Kaya ngiti ko'y kay sarap ipinta.

Dalawang linggo ka ding inibig
Laging ikaw ang bukang-bibig
Ngunit isang araw naramdaman ang lamig
At pag-ibig ko'y tila yelong
    nalusaw at naging tubig.

Oo ikaw nga. Pero don't worry wala na talaga. Promise.
*orihinal na gawa ni kenkun.

Last Song Syndrome (LSS)

09-03-10
Friday.

LSS ka ba? Nakakahibang 'di ba? Paulit-ulit sa sintido. 'Di nakakasawa. Parang damo! Nakakaadik. Nakaka-high! Ito 'ung feeling na gusto mo nang tumigil pero sa tuwing maririnig mo ang kanta ay 'di mo mapigilang sumabay at makikanta. 'Di maalis sa kokote at bukang-bibig,o na? LSS ka nga!

LSS- Isang sakit na nakakaadik. Isang kanta na paulit-ulit mong naiisip sa ulo mo at kapag kinanta mo na ay matakot ka na at 'wag mo nang asahan ang mga kaibigan mo ukol dito upang maiwasang lumala ang sakit ay makahawa pa. Oo. Nakakahawa ang LSS kaya mag-ingat sa mga may LSS. Bahala ka, ikaw din baka mahawaan ka!
*orihinal na gawa ni kenkun.

May kalungkutan dahil sa ngayon ay wala pang nakikitang lunas dito. Ang tanging pag-asa mo lang ay mapalitan ang kantang umiikot sa ulo mo. 

Saturday, August 14, 2010

ecstatic.:)

unexpected.imy.

Saturday, July 24, 2010

God is my Manager.:)


Me and my friend kat participated. Hopefully we can make it.:)

the cry of frustration.

I want to be an Architect.

Saturday, June 5, 2010

orange.

the color or the fruit?
~'yan ang kadalasang tanong ko kapag narinig ko ang salitang ORANGE.

The Color first:
ORANGE?! EW!
~ayoko nang orange ever since! wala akong gamit na orange. Ewan ko ba? haha.
Gusto ko GREEN. GREEN!!! haha. Tuwing pumapasok sa isip ko ang orange naaalala ko 'ung super close friend kong si Jhazs. Kasi fave color nya ang orange e hate na hate ko un kaya naging pamusit nya sa'kin un.haha. Pero may ganti naman ako sa kanya e. Ayaw nya ng green kaya ayun bangayan kami. Ang saya nga kapag ganoon e. Inisan.

The Fruit:


courtesy of Mama.

Hindi ko rin hilig ang orange fruit. Mapa-juice o prutas pa 'yan. Isang araw ng bakasyon habang nanonood ako ng The Orange County (TV series) biglang pumasok si mama sa kwarto na may dalang oranges. Nagulat lang ako at the same time na-touch.haha. First time nya kasi akong dinalhan ng prutas sa loob ng kwarto. Natuwa lang ako kaya nilagay ko dito.

Thanks Ma.

~Ang mga nakatala sa itaas ay pawang opinyon lamang ng awtor.
Wala po akong gustong saktan.

Thursday, May 27, 2010

sapatos na gala.


Bagong sapatos pagkat sinira ni Ondoy ang luma.
Lakad dito, lakad doon ang laging ginagawa.
Mula nang mapasa'kin ako'y mas lalong naging gala.
Pansin ko sa mga hakbang at sa bawat tapak sa lupa,
pagod at panghihina ang natamo sa sapatos na gala.
~kenkun orig. on the spot poetry.:)

Monday, May 17, 2010

ip♥d l♥ve.(:


Thanks ipod for always being with me.
Waiting to be played,
your advices to be heard through your tiny earphones.
Thank you for being there when no one does and no one wants to be.
In good happy times and more in bad,sad worst days.

That's why I got sad when I thought you have left me,
that time when i-tunes can't read you anymore
got even more scared when you suddenly don't play for me any longer.

Then after an 'operation' that brought you back to life.
It feels ecstatic that time. That no one can buy my happiness.
-iloveyou-ipod.(:

on the spot: kenkun orig.:)

warm, yellow long sleeves uniform.

nakakamiss din pala kahit kasumpa-sumpa ang init .:) haha.:DDD
~picture by Carlo Gagui
.USTedyante the uniform photoshoot.:)

Saturday, May 8, 2010

vote wisely.:)

russel, ken, tiny, glenne, ela
UST
ako ang simula concert
 (himig ng pagbabago)
super sayang concert!!!

May 10, 2010
bumoto po ng matalino
'wag po tayong papadala sa matatamis na dila
magdasal po siguradong malaking tulong
para sa masang Pilipino.:)

advance celebration of Mother's Day.

May 08, 2010 (Saturday)
May 09, 2010 (Sunday- Mother's day)

nagtanghalian lang together sa bahay nila Tita.
then umalis na sila kuya, Doy at tato para magturuan magdrive. Nagpaiwan na lang ako kasi mainit tska may binabasa naman ako.solve na ko dun.:)

mga 3pm dumating na sila tapos nag-ayos na kami para sa biglaang pagpunta sa SM Clark. Pagdating nagmeryenda saglit sa Mc Donalds then....

lakad-lakad-lakad

'nung napagod kumain ng ice cream sa North Pole sa 2nd floor in front of the cinemas. Then punta ng Greenwich dun daw kasi kakain. Pero busog na ko, wala na kong gana.haha. Kaya fries at chicken pops lang kinain ko.

tapos cr at uwi na.

a Happy Day! :)

HAPPY MOTHER'S DAY
TO ALL THE MOMMIES OUT THERE!
especially to my Mamang. I lve you.

Tuesday, May 4, 2010

highschool never ends.:)

May 3, 2010
fiesta sa bayan kaya inimbitahan ko 'ung mga kaibigan ko 'nung highschool (pero kaibigan ko pa din naman sila hanggang ngayon.haha)

umaga
puntang Orani (next town) para kunin 'ung inorder na cake tapos motorcade ni Manny Villar kaya ayun ang daming nakantay na tao. Nakita ko siya 'nung nakasakay na ko sa jeep pauwi. Hay jeep nasira ba naman.amp! buti na lang sa plaza na ng town namin, buti na lang malapit na lang kaya nagtricycle na lang ako pauwi ng bahay.

tanghali
Pagdating ko internet lang at kumain tapos internet ulit.

hapon
Tulog tapos ligo ulit. Inet ee. tapos kain, picture-picture, nood ng PBB uber habang hinihintay 'ung tropa ko. Katagal bago dumating!
Unang dumating si Aris at Danna, sumunod sila Jhazs at Abby, huli si Warren at 'ung dalawa niya pang kaibigan.

kainan na!!!! habang binabalikan ang masasayang ala-ala 'nung highschool. Hay sarap balikan. Kung pwde lang sana bumalik. haha.

gabi
Umalis kami ng bahay namin ng 8:30 para pumunta sa plaza. Si warren hindi sumabay sa'min kasi may pupuntahan pa daw sila nung mga kaibigan nya pero susunod siya sa'min. Habang naglalakad kami kwentuhan pa din hanggang sa biglang pumutok na ang fireworks sa plaza kaya nagmadali kami pero hindi talaga namin naabutan.

Nagpunta kami kila Abby kasi may videoke sila at may alak.haha.oo uminom kami ng the bar apple vodka at kumanta ng kumanta.Nang maubos na ang isang bote ay bumili pa ulit ng dalawa pa gamit ung 100 pesos na binigay ni warren. Tuloy ang inuman! Ang taas ng tagay. Ayos a.improvement.haha. tapos dumating din 'ung ibang batchmates namin.

Silip kami sa perya aka 'CASINO' tapos balik kila Abby.

Tapos nagpunta ulit kaming CASINO (peryaan) HAHAHA.:DDD habang nagpapatugtog at sumasayaw. san ka pa?! haha.
gabing-gabi na noon kaya maluwag na ang daan at wala na ring entrance sa "CASINO". Hay di namin inabutan na bukas ung mga rides kaya bitter kami kaya sa sobrang lakas ng mga tama e gumawa ng sariling trip na tinawag na "horror walk" doon sa may horror train. Since sarado na un pumasok kami at naglakad kaya lang nahuli kami kaya ayon labas na agad.sayang.hay kontrabida.haha. Kaya naglaro na lang kami doon sa may mga cards at bola. basta di ko lam tawag e.Ung isang mama ngang tumataya e 500.O.o
haha.

tapos uwi na. Hinatid namin ni Renz si Danna.
note: isang taon na rin ang lumipas pero parang walang nagbago. Kami-kami pa rin. Ganun pa din. Magulo, maingay, masaya pa rin kasama ang mga High school friends ko. Tama nga ako 'highschool never ends'

Monday, May 3, 2010

trip to hell.

heat, fire
red eyes staring

sinners grab you
evil laughs,

save your soul
avoid this place

devil's chain
cries reverberate

asking for help
hearing strange voices

I'm afraid
so I pray 
I said:
God, pull me out of this place of hell.

~kenkun orig. on the spot poetry.:)

living by a candle light.

back to basic
no gadgets, no computers
just candles

burn as the body melt
playing fire
waiting to burn your home

be careful
it's chasing you
run, don't walk save your life

hot weather
difficult to see in the dark
wishing the sun will rise soon

straight look to the horizon
oh God its hard,
living by a candle light.

~kenkun orig. on the spot poetry.

midnight.

when the clock ticks at midnight i suddenly think of you.

Saturday, May 1, 2010

salamat sa 'minsan'

salamat sa minsang pagpapangiti mo sa'kin
sa pagdalaw mo sa buhay kong angkin
masaya ako kahit hindi ka marunong mamansin
wala naman ako sa'yo kaya okay lang palampasin.

salamat sa minsang pinaiyak mo ko
dahil sa lubos na pag-ibig at 'di natupad na pangako
ayoko na kasing masaktan nang dahil sa'yo
kaya kahit hindi ko gusto'y kailangan lumayo.

salamat sa minsang ako'y pinakilig mo
tuwing maaalala'y 'di mapigilan ang pagsamo
isa kang matamis na alalang hindi ko malilimutan
kahit na hindi mo iniisip na ako'y nasasaktan.

salamat sa minsang pagngiti mo sa mundo
alam kong 'di magiging akin kaya minsa'y gusto nang madedo
swerte nang maituturing, 'di sinasadyang pagtingin
parang isang panaginip, at 'wag nyo na akong gisingin.

salamat sa minsang pinaasa mo ko
na nauwi walang iba kundi sa pagsuko
akala ko'y aabot nang walang hanggan
ngunit puso'y naging parang basag na pinggan.

salamat sa minsang sinaktan mo ko
dahil tumatag kahit nabasag ang puso ko
utang ko ang lahat sa'yo
kahit na alam kong walang naging 'tayo'.

pero bago ko tuluyang tapusin ito
may nais akong malaman sa'yo at sa sarili ko,
nais kong malaman kung...
gaano kadalas ang 'minsan'?
~orihinal na gawa ni kenkun.(:

Friday, April 23, 2010

behind the shower curtain.

i hid nothing
you caught me with every moves,
pleasure and suffering
saw all in me,
nakedness, pain and happiness.

despite of it
you never judged me of anything
perversion and vanity
thanks for hiding me,
keeping those little secrets.

behind the shower curtain
we reveal our true identity.
~kenkun original
on the spot

Monday, April 19, 2010

the left eye tear.

one time my friend asked:
Is it true that when the first  teardrop came from the right eye it is because of happiness and when it dropped first from the left eye it's because of pain?

I don't really know the answer.
let me share these 'weirdo' experience of mine one Sunday afternoon.
I was watching this noon time show (ASAP XV) then suddenly there is this song performance and they're  (i forgot the artists) singing "it's gonna make sense" by Michael learns to rock since I knew the song I also sang it then as I sang my voice suddenly break and I was shocked when a tear dropped from my left eye and I dunno why. It dropped exactly at the line "someday its gonna make sense". Weird eh?

Weird but real.

Sunday, April 18, 2010

today was a fairytale.:">

April 17, 2010 (Camille Geronia's birthday)
Saturday
Villa Cebar

Woke up in the morning not in the mood but I can sense that something's gonna happen today and I'm not mistaken because

 it's a magic, a once in a lifetime moment, an unforgettable experience, worth remembering, a dream to reality, a fairytale
that feeling that you're hyper, ecstatic and exuberant
that moment that you don't want to end because you're very much happy
that thing that you will wish to happen every single day of your life

that smile (^_^)  that I will never ever forget
that glimpse that melt my smiling heart.♥
that look that made me fall in love again

I don't want this day to end.
This day that I considered one of the best days of my life.

that eye to eye contact that made me remember the old days
reminiscing those moments that made me blush just like before
it feels like a fairytale.

oh God. thanks for today. You're really good.ILY
I can't help it
I can't explain how you've made me happy.

but I know you'll remain as a dream, a sweet dream...
but always remember that I'm here for you and always be here for you.
hope to see you again....
in my dreams, in wonderland, in my ♥.
~credits to deviantart for the pic.(:

Thursday, April 15, 2010

pangakong nakapako sa puno sana'y 'di mapako.

Taon na naman ng halalan. Lumalakad na ng matulin ang mga araw patungong Mayo 10, 2010 araw ng botohan. Nagkalat na naman ang mga campaign materials. Kahit saan ka luminga may makikita ka't may makikita kang mukha ng kandidato. Karamihan nasa puno. Teka, teka...'di ba binawal na 'un? 'ung paglalagay ng mga posters sa mga puno nangakapako pa. Tsk paano kayo iboboto ng mga tao nyan? Humahabol pa lang kayo e hindi na kayo sumusunod sa batas. tsk.tsk

Pero 'yan na ang katotohanan e. Napako nyo na e, nasugatan na ang mga puno e. Ano pa nga bang magagawa? Pero tuwing halalan na lang ba ganito? Hindi ba pwedeng sa iba na lang ikabit 'ung mga mukha nyo? Please lang po. Sana sa susunod sa iba nyo na lang po ilagay. Marami naman pwdeng ibang paglagyan di ba?
 "Trees have feelings too, right?"


Puro pangakong nakapako sa puno ngayong panahon ng halalan sana'y 'di mapako at  abandonahin tulad ng mga galos at markang iniwan ng mga pakong pinako nyo sa mga puno natin. Sana manalo ang karapatdapat kaya bumoto ng matalino mga Pilipino. Sana ang mga susunod na mahalal ay may magawa ng solusyon sa problema ng bansa para wala ng mahirap. 'Di ba ang saya noon?
'Wag po sana tayong maging madamot at makasarili.


Hindi pa ako botante kaya pagdarasal ko na lang ang maayos, makatarungan, makabuluhan at makatotoohanang botohan.

that adidas bag.

yes that Adidas bag I'll never forget because every time  I see the same bag I can't help it but to think of you again and again.♥♥♥

puro lang salita.

sa wala akong magawa ngayong tag-araw eto blog na lang.
pinakaAYAW ko ay ang hanggang salita lang o ang namumulaklak ang bibig

madalas ito mangyari sa'kin at sa sobrang dalas narindi at nabusit na talaga ako.
Alam naman nating lahat na libutero ako o makati ang paa o libot s amadaling salita.
Ayaw kong nananatili s abahay lalo na kapag wala akong magawa kaya ayaw ko ng sasabihin sa'kin ng mga tao na aalis daw kami at pupunta kung saang lugar sa ganitong araw tapos hindi naman matutuloy. Nakakabanas di ba? Para kang pinapaasa sa wala.Ayaw na ayaw ko talaga nun. Nagagalit talaga ako. Kasi naman mag-aayos ka ng sarili mo. 'ung tipong nakaplano pa 'ung susuot mo (ako kasi ung tipo ng taong pinaplano 'ung mga sinusuot) tapos hindi matutuloy. Nakakainis talaga. Sa sobrang galit ko nga nasabi ko na "Pwede bang 'wag nyo kong sabihan sa mga libot-libot na 'yan kung hindi naman matutuloy?!"
nakakarindi e! "'wag nyo kong paasahin!"

"kung sinasabi nyo pag-aralan nyo naman tuparin"

sabi tuloy ng ina ko: "don't expect kasi" kaya simula noon hindi na talaga ako nag-aya pumunta kung saan at it's getting better. Hindi na ko nakakapagtampo sa mga drawing na lakad dati kasi sila na nag-aaya at hindi na nila ako sinasabihan unless na matutuloy 'un love it!

Sunday, April 4, 2010

tingnan ang litrato sa baba.:))

  hahahaha.
o pa'no ba yan may utang ka sa pag-view nito.:DDDD
HAHAHA.:DDD

Friday, April 2, 2010

ako/kami pa din naman 'to.walang nagbago 'dun.

hindi ko lang gets kung bakit kapag nagkahiwa-hiwalay na after ng graduation ay tingin ko'y nag-iiba ang tingin sa'yo ng iba sa mga dati mong mga kaklase e hindi ka naman talaga nagbago. Physically siguro pero ugali? meron sigurong nagbago dahil sa impluwensya pero hindi naman mawawala sa'min 'ung mga memories e.Nasaa'min na 'un.

"nag-iba lang tayo ng pinapasukang eskwelahan pero ako/kami pa din 'to at walang nagbago 'dun"

hindi ko kayo masisisi kung ganyan kayo mag-isip pero ang sa'kin lang naman ay wala naman akong/kaming ginagawa para isipin nyo yan. In fact ako/kami pa madalas mambati e, tapos ganon? nakakagulat lang. Hindi din naman kami snobbish kaya nakakapagtaka lang.

ayun.pinaliwanag ko lang 'ung side ko/namin.
sorry kung mali ako ah pero may nakikita kasi ako e.'yun lang...

Tuesday, March 30, 2010

a regular dawn schedule: frostbites

clock ticked pointing to three
midnight of the devil has begun
i was awaken by a rooster's call
get up and get ready it said.

swallowing noisy crackers at the kitchen
brushed my teeth and my tongue to clean
entered the bathroom for a bath
washing off yesterday's dirt.

rinse the bubbles straight to the drainage
towel dry my body, project the mirror reflection
put on my clothes as well as my shoes
waxed hair and sprayed cologne for finishing.

deserted highways, streetlamps standing still
people sleeping, the dawn is breaking
waiting for the bus to come and ride me to the Avenue
as endless as forever, at last the bus finally showed up.

sleeping at the bus was my favorite routine
frostbites are coming start possessing my body
several minutes my caricature began to shake
freezing cold, pull me out of this place.

hopped out of that vehicle
looked up at the traffic lights to shift colors
walked as fast as my feet can
'cause coldness chasing after me but i won't surrender.

two more traffic lights to pass by
to reach my safe haven in this city
sun is slowly taking its peek
dim, lonely road is where i walked through

key sounds can be heard on the silent lobby
opening the wooden door to start this all over
turned on room light welcomed me back
hello Manila, hello UST, hello hard life.
-kenkun orig.

take a peek.




Dare to look at Medusa's eyes and see yourself turning into a stone.

I recently watched the lightning thief, a good movie.
and there's this scene that they went to Medusa's lair and then I learned that when you look at Medusa's eyes you'll turn into a rock.how pathetic.
I enjoyed that scene of Medusa though I find her head yucky.:DDD

~credits to  deviantart.

hindi ba kayo nabo-bore?

wala lang.kasi sa Manila ang daming mga namamalimos. Tinutukoy ko ay 'ung mga nasa over pass ha.'ung mga nakaupo dun.hindi kaya sila nabo-bore? nakaupo lang sila doon buong araw.or baka 24/7 pa nga? oo matanda na sila pero may iba na kaya naman magtrabaho.batugan lang talaga. hay.ewan ko sa mga taong 'un.ang hirap talaga ng Pilipinas noh? Sana masolusyonan na 'tong problema ng bansa. Naalala ko tuloy 'nung minsan na napadaan kami doon sa over pass sa EspaƱa sabi ng kaibigan kong si

Nes:
  "kung mayaman lang ako papauwiin ko sila sa mga probinsya nila"
ngiti lang 'ung nasagot ko pero sa loob-loob ko.

Ken: "sana yumaman si Nes."

Monday, March 29, 2010

knock knock-an sa USTe.xDDD

sumikat ang knock knock jokes sa USTe.mga corning jokes at sa sobrang kacorny-han ay matatawa ka na lang.

ito ang mga knock-knock jokes.

knock knock! 
who's there? 
___________
_______who?

1.fire apoy (if I were a boy)
♫ if fire apoy, i think i could understand

2.Avril Lavigne (i'll be loving you forever)
♫ Avril Lavigne you....forever, deep inside my heart you leave me never

3.mighty mouse (thousand miles)
♫ mighty mouse outside Chicago, can't stop driving i don't know why

4.tubig pampawi sa lamig (the day you said goodnight)
♫ tubig...pampawi sa lamig and all that i see, and all that i need

5.lesbian (when you say nothing at all)
♫ the smile on face lesbian know that you leave, there's a lookin' your eyes saying you never leave me.

6.roxanne (buksan mo, papasukin ako)
♫ roxanne mo, papasukin ako, bulaklak para sa'yo

7.twitter (thriller)
♫ that this is twitter....twitter  night

8.may kape (tiktok)
♫ may kape in the morning feeling like P Diddy

9.aswang (always be my baby)
♫ we were aswang babe for a moment in time

10.mama para taxi (paparazzi)
♫ baby you'll be famous, i'll chase you down until you love me mama para taxi

11.Denise (weak)
♫ i get so weak with Denise I could hardly speak

12.latigo (doremi)
♫ do...re...,mi... fa...so...la...ti...go...

13.FEU UST (angels brought me here)
♫ FEU...ST what i...see, you're the answer to my prayer.

14.manong tulala (bad romance)
♫ ma...nong tulala.....roma roma-ma, gaga oh lala want your bad romance

15.tigdas dalandan (moonlight over Paris)
♫ tigdas the moonlight shine on Paris, after the sun goes down. If dalandan bridge is falling can anybody here a sound?

16.Edu Manzano (greatest love of all)
♫ i decided long ago never to walk with Edu Manzano

17.tatay mo long hair (i don't care) favorite♫ cause i don't care tatay mo long hair, i don't care tatay mo long hair.

18.nido gatas (with you)
♫ i nido boo, i gatas see you boo

19.lady gaga (bakit)
♫ kung ladu gaga ka, s apiling ng iba

20.river boat (love story)
♫ river boat young when i first saw you

21.swatch (shots)
♫ let's go swatch swatch swatch swatch swatch swatch

22.ham and daing (hotel room service)
♫ we got some hotel, motel ham and daing

23.puma safari (party in the USA)
♫ puma hands up, they're playin' my song and now i'm gonna be okay. yeah! it's safari in the USA, yeah! it's safari in the USA.

24.difference, differences (love story)
♫ you'll be difference and i'll be differences it's a love story baby just say yes

25.kinurot utong (intro of always be my baby)
♫ kinurot 'tong....kinurot, kurot utong

26.judo (mad)
♫ and i don't want judo to bed mad at you

27.bumili ng bagong folding bed (mad)
♫ bumili ng bagong folding bed, mad at you

28.ginabing kokey (just dance) favorite!
♫ just dance, ginabing kokey da da doo-doo mmm

29.honda (12 days of Christmas)
♫ honda the first day of Christmas may true love gave to me

30.jiampong (sampong mga daliri)
♫ jiampong mga daliri

31.da vinci (itsy bitsy spider)
♫ da vinci vinci spider climbed up the water spout

32.civil war ( villar campaign song)
♫ civil war ang tunay na mahirap, civil war ang tunay na may malasakit.

33.tagbitbit puto bung-bong (boom boom pow)
♫ tagibitbit, tagabitbit...puto bung bong.tagabitbit puto bung bong

34.johnny depp (boom boom pow intro)
♫ johnny depp....johnny depp depp, depp.depp.depp

35.picachu (one time)
♫ pi..cachu i will tell you one time

36.gu jun pyo (pare ko)
♫ O, diyos ko ano ba naman ito di ba gu jun pyo nagmukha akong tanga pinaasa niya lang ako lecheng pag-ibig to-o-o-oh

37.mentos (my toes my knees)
♫ mentos my knees, my shoulder, my head

38.halimaw sa poste (how am i suppose to live without you)
♫ tell me halimaw sa poste live without you

39.knock olongapo san fernando (smack that)
♫ knock that olongapo, knock that san fernando

40.dina bonnevie,gary v,megan fox (wanna be)
♫ dina bonnevie my lover, gary v with my friends, megan fox forever that will never end

41.organizer (womanizer)
♫ organizer, organizer, organizer, organizer you-you are, you-you are organizer, organizer, organizer, organizer

42.tolits bumili ng tide with bleach (liwanag sa dilim)
♫isigaw mo kay tolits, bumili ng tide with bleach liwanag, liwanag sa dilim

43.soon to open pan de manila bukas sarado na (uno dos tres)
♫ uno dos tres soon to open pan de manila, dos tres bukas sarado na

44.tissue (forever)
♫ tissue and me moving at the speed of light into eternity

45.kerigma ( poker face)
♫ kerigma, kerigma, no you kerigma poker face

46.coca cola (kung ako na lang sana)
♫ coca cola lang sana ang 'yong minahal, di ka na muling mag-iisa, coca cola lang sana ang 'yong minahal 'di ka na muling luluha pa

47.tuna pie (through the fire)
♫ tuna pie...tuna limit tuna wall.

el niƱo.

 
credits to: 
Concept/Photographer | Eric Fernandez
HMUA:
Leo Dela Cruz
Donald Lapez
Raymund Defeo
Stylist | Rei RaƱa

ngiting tattoo.

 

my English professor said that I've got a great smile
without knowing my smile was nothing but a tattoo.
credits to deviantart.

Sunday, March 28, 2010

AKIN...

sawa na kong maghintay sa isang bagay na alam kong 
kahit anong gawin ko ay 
hindi ko matatawag na 'AKIN'.
~kenkun orig.

turning point.

ito ang gigising ka na lang isang araw at maiisip mong
pagod ko,
hindi na kita mahal at
malaya ka na at pati na din ako.

Saturday, March 20, 2010

hindi na sana nakita....

Solong nagmumuni-muni sa daan
Nilamon na ng mga liwasan
Umabot na hanggang sa damuhan
UST field kita natagpuan
Nakangiti't nakatindig, nanonood ng laban.

Sa paglipas ng mga araw lalo kang nagustuhan
Arkitekto ko nang ika'y pangalanan
Tuwing makikita ka'y tila nasa kalangitan
Ngunit sinubukang pag-ibig ay pigilan
Dahil sa huli'y ako pa rin ang masasaktan.

Linggo ang binilang bago ka muling nasilayan
Nang mga matang nag-aabang sa kawalan
Araw-araw sa pavilion ang tambayan
Umaasang ika'y makikitang dumaraan
Na kumukumpleto sa aking kakulangan.

Dumating ang araw na kinatatakutan
Nalaman ko na ang katotohanan
Simula pa lang alam ng walang aasahan
Pasensya at nadala lang ng katangahan
Ngayo'y nagseselos kahit walang karapatan.

Nanlumo sa aking nasaksihan
Kasama mo'y nakaputing kasuotan
Hinatid ng tingin hanggang sa inyong patutunguhan
Pakiramdam ay naiwanan na parang basahan
Nalungkot at naisip na ako'y talunan na naman.
~orihinal na gawa ni kenkun.
03-19-10

Sunday, March 7, 2010

if only i can.

tama na, pagod na ko.

Saturday, February 27, 2010

kung natuturuan lang sana ang puso

Sana natatanggihan ang puso noh?
'ung masasabi mong "ayoko na", "'wag na lang siya", at "'wag mo kong pahirapan"
para wala ng nasasaktan, wala na umiiyak sa mundo.
~kenkun orig.:)

Labinlimang minuto sa piling mo.

02.19.10
UST Library (Civil Law branch)

Ligalig ang isipan, 'di pakali sa upuan
Hitsura'y 'di mapinta, tinatalo ng problema
Mata'y nagtama, ginawa'y mabilis na ilag
'Di kayang titigan kang may malalim na pangitain.

O, kay gandang mukha, ngunit bakit kay lungkot?
Kung puwede ko lang sanang tanungin ang iniinda mo
Nais matulungan, 'di mawari ang dahilan
Aking hiling na makilala ka, nang mapawi ang pag-iisa.

At ngayo'y lumisan ka, umalis sa aking harapan
Labinlimang minuto'y dumaan, o kay bilis ng orasan
Walang magagawa, dahil wala namang karapatan
Umaasang sa muling pagkikita, ngiti na ang nilalaman.

Saturday, February 20, 2010

Sa pagtumbling ng mga tuyong dahon.

Hapong-hapo sa paglakad
Tila walang hangganan
Naghahabulan ang mga binti
Sapagkat pakagat na ang dilim

Nagpapansin ang tuyong dahon sa kalye
Sumirko nang ipakita ang gilas
At nasabi sa sariling...
"buti pa ang mga tuyong dahon...masaya."

~orihinal na gawa ni kenkun
(sa daan pauwi)

lamig ng pag-iisa.

Daig pa ang lamig ng simoy ng hangin sa gabi.
Nag-iisang nakaupo sa ilalim ng aandap-andap na liwanag.
~orihinal na gawa ni kenkun.
(pavilion)

maraming nababago ang paghihintay...

Suko na sabi ng utak ko,
Pagod na ang mga daliri ng kamay ko,
Masakit na ang ulo ko,
Sawa na ko sa ganito,
at higit sa lahat...
Durog na ang puso ko.
~orihinal na gawa ni kenkun...
(sigaw ng pagkatao)

wagayway ng puting watawat sa laban ng pag-ibig

Sakit na walang lunas sa puso kong sugat na
Hapo sa iyo dahil lubos kitang iniibig pa
Tanong na lumiligalig, naghahanap ng sagot
Tanging ikaw lamang ang magbibigay kalinawan
Upang kahibangan ay akin ng wakasan

Sabihin kung ayaw para hindi na umasa pa
Pagkat puso ko'y tigang at durog na
Hanggang kailan mag-aantay sa iyong pagbalik
Bilis-bilisan mo't baka maiba ang nais
Pagkat unti-unting nawawala, napapagod ang dibdib

Misteryong bumabalot, epektibong gayuma
Pagkataong 'di mabasa ng kahit sinuman
Pana ni kupido tumusok na parang bala
Sa'yo o giliw ko, ano ba ang nakita?
At nagkakaganito ngayon, nababaliw sa tuwi-tuwina

Pilit ibinabalik tamis ng nakaraan
Ngunit ang kahapon ay isa lamang kalokohan
Tangang maituturing, paghihintay sa hindi darating
Tapos na ang laro, sawa nang madehado
Sa laban ng pag-ibig na isa lang ang tumatangkilik

Hilumin mo Poon at ng matapos na
Kalbaryong dulot ng tunay na pagmamahal
Nawa'y pagpahingahin Mo sa lambot ng Iyong mga ulap
Aliwin sa mga bituin, pabalikin ang naglahong galak
Upang sa pagsikat ng yaring araw, bagong umaga ang saki'y nakaabang

~orihinal na gawa ni kenkun
at sa tulong ni Julie sa ilang pagrerebisa.

Saturday, February 13, 2010

pananariwa paglipas ng halos isang taon kong pagkawala.

Sundo ng kaibigan ay ipinagpasalamat
Sapagkat hindi pinabayaang talunin ng hiya
Ako'y sinalubong ng mga matang mapanuri
Sino ba ito? tanong nila sa sarili
A! Si Kuya lang pala na lumisan noong nakaraang taon.

Binati ng mga ngiti mula sa mga kakilala
At tiningnan sa pagtitig ng madlang nagtataka
Nilakasan ang loob upang magpatuloy
Mano sa magulang, yakap sa may kaarawan
Tingin ng kapamilya'y liwanag ng pag-asa.

Lumakad tungong poso
Upang hugasan ang mukhang nababad sa arawan
Daan sa kantina ngiti kung saan-saan
Usap dito, usap doon ang aming pinagkaabalahan
Nakalimutang nagtapos na pala sa institusyong kinalalagyan.

Balik sa pwesto, tanaw kita sa malayo
kwentuhan at tawanan aming hinahanap-hanap
Muling nakamtan habang nagtitiis sa pagtayo
Tawag ng guro ang pumukaw sa atensiyon
Kumustahan ay naganap at natapos sa picture-an.

Dinatnan ng Ngawit, ginawa ang huling sulyap
Umaasang kahit lingon man lang ay aking makamit panandalian
Ngunit bigo pa rin at patuloy na nasasaktan
Dahil pait ng nagdaang taon at tila kahapon lamang
Laglag ang balikat, sumugod ng muli sa nakasusugat na arawan.
on the spot poetry. kenkun origs!

Napadpad ako sa dati kong paaralan ang Saint Peter of Verona Academy sa hindi sinasadyang pagkakataon noong nakaraang Linggo (Pebrero 07, 2010)

Sinundo ako ni Jhazs sa may gate at aking nalamang Family Day pala roon.

Sunday, January 31, 2010

almost 3 years...

it's almost 3 years of ups and downs, happiness and more of pain...
but still I LOVE YOU.

Wednesday, January 27, 2010

kalalakihan sa modernong panahon.

matagal ko na 'tong napapansin sa tuwing ako'y luluwas ng Maynila ngunit nagyon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong ihayag ang aking obserbasyon...


hindi na ba uso ang pagiging gentleman?
ito ang napapansin ko. aminado ako na maging ako ay hindi na nagagawa ito- ang paupuin ang mga babaeng nakatayo sa pampasaherong bus na puno karaniwan tuwing Lunes at mga araw pagkalipas ng mga bakasyon o holidays.

pero hindi ako masaya sa tuwing nakakakita ako ng ganitong sitwasyon dahil nakokonsensya ako at babagabagin ng aking konsensya ngunit mauuwi rin naman sa hindi ko pagbibigay ng aking upuan. ang mga naiisip ko:

  1. "bakit ko ibibigay ang upuan ko e binayaran ko 'to? ang mahal pa naman."
  2. "pare-pareho lang kaming tao na pagod sa hamon ng buhay. di ba?"
  3. "mas malakas ba ang mga lalaki sa babae? o kabaligtaran o baka naman pantay lamang?" 
  4. "obligasyon ba namin ito?"

masamang maituturing ngunit ito ang katotohanan na marahil ay naiisip din ng ibang kalalakihang nakasakay sa bus.


Kung minsan naman'y gustong-gusto ko ng ibigay ang aking upuan ngunit napapangunahan ng hiya at katamaran. alam kong hindi katatanggap-tanggap ang mga dahilan ngunit pawang katotohanan ang lahat.

Siguro nga iba na ang panahon ngayon.
ganito na nga siguro kaming mga lalaki sa kasalukuyan.

.obserbasyon.opinyon.saloobin.

a feeling is just a temporary thing...

yes, it may take time, take a while
but sooner or later it'll fly away...

Saturday, January 23, 2010

nightout...

continuation of Joanne @ 18

hinatid kami ni Treb sa Trinoma.
then ayon naghanap na ng tatambayan.haha.
since hinahanapan kmai ng ID, e hindi naman kami lahat may dalang ID kaya lumipat na lang kaming Sky Garden (Sm North) dun sa Padis Point kasama sina Ephraim, Julie, Meg, Roi, Migs, Mikael, Michael, Eds, Kat, Joanne, Grace, Doms at si Nes pero agad umuwi kasi sinundo ni Melai e.

 
then umorder na kami ng gotcha aftershock cocktail.
taob agad ang tower! haha.

 
then order ulit ng isa pang tower pale pilsen naman.



 
then ayon unti-unti ng umuwi. Naubos na then pumunta kami nina Roi, Doms, Joanne, Julie kila Meg at uminom ulit ng The Bar apple.Ang adik pero super saya!

ayon hindi kami natulog pwera lang kay Doms at Joanne na umidlip saglit!
ang saya.kung anu-ano pinaggagawa namin.
kwentuhan tungkol sa love life at sa mga nakakatakot.grabe...

ganon lang ginawa namin magdamag.
tapos dugtungan kami ng kanta tagalog at english.ang saay grabe!
gusto ko pang ulitin
nag-taxi na lang kami nila Julie at Joanne.
dumating ako ng dorm ng 7 am.
then pumuntang terminal pauwing province.natulog lang ako.
amoy yosi buhok ko. ang baho.