Sundo ng kaibigan ay ipinagpasalamat
Sapagkat hindi pinabayaang talunin ng hiya
Ako'y sinalubong ng mga matang mapanuri
Sino ba ito? tanong nila sa sarili
A! Si Kuya lang pala na lumisan noong nakaraang taon.
Binati ng mga ngiti mula sa mga kakilala
At tiningnan sa pagtitig ng madlang nagtataka
Nilakasan ang loob upang magpatuloy
Mano sa magulang, yakap sa may kaarawan
Tingin ng kapamilya'y liwanag ng pag-asa.
Lumakad tungong poso
Upang hugasan ang mukhang nababad sa arawan
Daan sa kantina ngiti kung saan-saan
Usap dito, usap doon ang aming pinagkaabalahan
Nakalimutang nagtapos na pala sa institusyong kinalalagyan.
Balik sa pwesto, tanaw kita sa malayo
kwentuhan at tawanan aming hinahanap-hanap
Muling nakamtan habang nagtitiis sa pagtayo
Tawag ng guro ang pumukaw sa atensiyon
Kumustahan ay naganap at natapos sa picture-an.
Dinatnan ng Ngawit, ginawa ang huling sulyap
Umaasang kahit lingon man lang ay aking makamit panandalian
Ngunit bigo pa rin at patuloy na nasasaktan
Dahil pait ng nagdaang taon at tila kahapon lamang
Laglag ang balikat, sumugod ng muli sa nakasusugat na arawan.

on the spot poetry. kenkun origs!
Napadpad ako sa dati kong paaralan ang Saint Peter of Verona Academy sa hindi sinasadyang pagkakataon noong nakaraang Linggo (Pebrero 07, 2010)
Sinundo ako ni Jhazs sa may gate at aking nalamang Family Day pala roon.

No comments:
Post a Comment