Thursday, April 15, 2010

pangakong nakapako sa puno sana'y 'di mapako.

Taon na naman ng halalan. Lumalakad na ng matulin ang mga araw patungong Mayo 10, 2010 araw ng botohan. Nagkalat na naman ang mga campaign materials. Kahit saan ka luminga may makikita ka't may makikita kang mukha ng kandidato. Karamihan nasa puno. Teka, teka...'di ba binawal na 'un? 'ung paglalagay ng mga posters sa mga puno nangakapako pa. Tsk paano kayo iboboto ng mga tao nyan? Humahabol pa lang kayo e hindi na kayo sumusunod sa batas. tsk.tsk

Pero 'yan na ang katotohanan e. Napako nyo na e, nasugatan na ang mga puno e. Ano pa nga bang magagawa? Pero tuwing halalan na lang ba ganito? Hindi ba pwedeng sa iba na lang ikabit 'ung mga mukha nyo? Please lang po. Sana sa susunod sa iba nyo na lang po ilagay. Marami naman pwdeng ibang paglagyan di ba?
 "Trees have feelings too, right?"


Puro pangakong nakapako sa puno ngayong panahon ng halalan sana'y 'di mapako at  abandonahin tulad ng mga galos at markang iniwan ng mga pakong pinako nyo sa mga puno natin. Sana manalo ang karapatdapat kaya bumoto ng matalino mga Pilipino. Sana ang mga susunod na mahalal ay may magawa ng solusyon sa problema ng bansa para wala ng mahirap. 'Di ba ang saya noon?
'Wag po sana tayong maging madamot at makasarili.


Hindi pa ako botante kaya pagdarasal ko na lang ang maayos, makatarungan, makabuluhan at makatotoohanang botohan.

No comments: