hindi na ba uso ang pagiging gentleman?
ito ang napapansin ko. aminado ako na maging ako ay hindi na nagagawa ito- ang paupuin ang mga babaeng nakatayo sa pampasaherong bus na puno karaniwan tuwing Lunes at mga araw pagkalipas ng mga bakasyon o holidays.pero hindi ako masaya sa tuwing nakakakita ako ng ganitong sitwasyon dahil nakokonsensya ako at babagabagin ng aking konsensya ngunit mauuwi rin naman sa hindi ko pagbibigay ng aking upuan. ang mga naiisip ko:
- "bakit ko ibibigay ang upuan ko e binayaran ko 'to? ang mahal pa naman."
- "pare-pareho lang kaming tao na pagod sa hamon ng buhay. di ba?"
- "mas malakas ba ang mga lalaki sa babae? o kabaligtaran o baka naman pantay lamang?"
- "obligasyon ba namin ito?"
masamang maituturing ngunit ito ang katotohanan na marahil ay naiisip din ng ibang kalalakihang nakasakay sa bus.
Kung minsan naman'y gustong-gusto ko ng ibigay ang aking upuan ngunit napapangunahan ng hiya at katamaran. alam kong hindi katatanggap-tanggap ang mga dahilan ngunit pawang katotohanan ang lahat.
Siguro nga iba na ang panahon ngayon.
ganito na nga siguro kaming mga lalaki sa kasalukuyan.
ganito na nga siguro kaming mga lalaki sa kasalukuyan.
.obserbasyon.opinyon.saloobin.
No comments:
Post a Comment