Sakit na walang lunas sa puso kong sugat na
Hapo sa iyo dahil lubos kitang iniibig pa
Tanong na lumiligalig, naghahanap ng sagot
Tanging ikaw lamang ang magbibigay kalinawan
Upang kahibangan ay akin ng wakasan
Sabihin kung ayaw para hindi na umasa pa
Pagkat puso ko'y tigang at durog na
Hanggang kailan mag-aantay sa iyong pagbalik
Bilis-bilisan mo't baka maiba ang nais
Pagkat unti-unting nawawala, napapagod ang dibdib
Misteryong bumabalot, epektibong gayuma
Pagkataong 'di mabasa ng kahit sinuman
Pana ni kupido tumusok na parang bala
Sa'yo o giliw ko, ano ba ang nakita?
At nagkakaganito ngayon, nababaliw sa tuwi-tuwina
Pilit ibinabalik tamis ng nakaraan
Ngunit ang kahapon ay isa lamang kalokohan
Tangang maituturing, paghihintay sa hindi darating
Tapos na ang laro, sawa nang madehado
Sa laban ng pag-ibig na isa lang ang tumatangkilik
Hilumin mo Poon at ng matapos na
Kalbaryong dulot ng tunay na pagmamahal
Nawa'y pagpahingahin Mo sa lambot ng Iyong mga ulap
Aliwin sa mga bituin, pabalikin ang naglahong galak
Upang sa pagsikat ng yaring araw, bagong umaga ang saki'y nakaabang

~orihinal na gawa ni kenkun
at sa tulong ni Julie sa ilang pagrerebisa.
at sa tulong ni Julie sa ilang pagrerebisa.
No comments:
Post a Comment