Thursday, April 9, 2009

UST sa paglipas ng 6 na taon.



anim na taon na ang lumipas,

ng mula akong pumasok sa UST
ito'y noong ako'y nasa elementarya pa lamang
ang nakatatanda ko kasing kapatid na lalaki
ay dito papasok para sa kolehiyo.

sa aking pagluwas ay hindi alam ang mundong tatahakin
Maynila?
sa aking pagpasok sa UST noon
ay parang wala lamang sa akin.

katulad lamang ng ibang eskwelahan
may arkitektura, estudyante at iba pang karaniwang
matatagpuan sa isang natural na eskwelahan.

lumipas ang napakaraming taon.
ang bilis! hindi ko namalayan...

at hindi ko inaasahan.
na dito rin pala ako nakatakdang pumasok sa darating na pasukan.
ang totoo pinili ko 'to.
ang muling pagpasok sa UST

ang mga magulang ko nga ay tutol sa aking pagpasok dito
marahil sa kadahilanang nabigo sila sa kuya ko.
na isinuko ang pag-aaral dito.
pero sa kabila noon ay napilit ko rin sila na dito ako papasukin.
at hindi naman ako nabigo.

sa pagpasok kong muli sa UST
noong Abril 2 upang magpareserba para sa talaan ng mga
estudyanteng duon papasok ay anong ligaya
ang aking nadama.

sa wakas! ito na ang hinihintay ko.
makakabalik na rin ako sa wakas paglipas ng
mahabang taon at mga araw na aking hinitay.

sa isip ko'y may mga tanong na naglalaro.

anong nagbago?
anong pakiramdam?
bakit kailangan sumuko?
anong kahahantungan ko sa aking pagpasok?

ang tanging naging sagot ko ay hindi ko alam.

ngunit alam kong darating ang panahon na masasagot lahat ng katanungan
na ito.

habang papalapit na ang aking pagdating sa pintuan nito ay anong kaba ang aking nadarama.
pero dumaan ang mga sandali at napanatag na ang loob ko.
dahil ang babait ng mga tao dito.

ngayon ay hinihintay ko ang muli kong pagbabalik
sa Abril 21 upang magpatala na para sa darating na pasukan.

alam kong kaya kong tumagal doon!
kaya ko!
kung kaya nila mas kaya ko!

sa tulong ng dasal at suporta ng mga magulang ay alam kong tatagal at kakayanin ko kahit gaano kahirap!

No comments: