Wednesday, April 8, 2009

isang pangarap mula pa noong ako'y musmos.

bata pa lang ako ay pangarap ko na ang magkaroon kami ng.....
KARO.oo karo nga ung sa poon na nilalabas kapag mahal na araw.

.ang weird ko noh?
ewan ko ba kung bakit? hindi ko rin alam e.

ang alam ko lang ay masaya ako kapag nakakakita ako nun.
kasi bata pa lang talaga ako ay lagi akong isinasama ni mama sa prusisyon
then mula noon hindi na pwedeng hindi ako magpruprusisyon pero one time ata
na-missed ko ang prusisyon.haha.

ewan ko kung bakit gustong-gusto ko talaga nun.
hindi ako nahihiyang pangarap ko un.masabi mang WEIRD pero ayon ang katotohanan.di ba? kaya bakit ako mahihiya.walang rason para mahiya.

naaalala ko 'nung bata ako.die hard talaga ako.as in!
talagang excited ako kapag may prusisyon.take note there was a time na super aga akong pumunta sa simbahan para abangan ang pagdating ng bawat karo.oha!

eto pa.tuwing hapon tuwing may prusisyon kinagabihan ay nagpapaikot ako kay Daddy sa mga baranggay na alam kong may karo.oo! memorize ko kung saan nakatira ang bawat poon.trust me.haha.pero hindi na ung masyadong malayo.
ewan ko ba i'm addicted to these things.haha.at alam ko rin ang pagkakasunud-sunod nila sa oras ng prusisyon.san ka pa! haha...

at eto pa!
pinakamalala na siguro to.?
ang pag-agaw ng bulaklak sa karo.haha.like others.talagang bawat karo kinukuhanan ko.haha.ang ewaaan ko talaga nun.super dami talaga kaming gumagawa nito pero napansin ko ngayon na hindi na uso.haha.natauhan na ang mga tao.tulad ko naging mature na.haha.

share ko lang.naalala ko lang kasi panahon na naman ng ganito ngayon e.
at natatawa na lang ako sa sarili ko kapag naaalala ko 'to.

hmmm...pero until now I'm desperate to have one.
sabi ko pa nga bibili ako ng lima kapag mayaman na ko.oha! ang lakas ko talagang mangarap ano.
pero mark this.makakabili din ako nyan.promise! haha.
hindi ako pwedeng umalis sa mundo ng hindi ko 'to naa-accomplish.

No comments: