kahapon.April 13, 2009
nagpunta kami kila tita para doon panoorin ang pinoy bingo night.ayon masaya.then after that punta ako kila mama.wala tumambay lang.nagluluto kasi sila ng shanghai e.ulam namin para sa hapunan nun.
then dumating si tita.hmmm.ayon nabanggit ni mama kung kelan kami luluwas para maghanap ng bahay.kasi wala pa akong titirahan e.then hindi ko alam kung paano yun nagsimula bigla na lang.
tita: komersiyo LANG pala ung course mo sa Maynila ka pa mag-aaral.kala ko naman medicine, psychology or anything na mataas.kakita-kita ko sa commerce kami nakapila.sa balanga ka na lang mag-aral.
ako: ihhhh....
tita: may major pa un di ba? ung financial, marketing, human resource. nauubos na ang mga business ngayon ah.wala ng mga companies ngayon nagsasara na.
mama: kaya nga para pag nag-apply sya malaki ung chance nya sa malalaking companies kasi maganda ung school na pinasukan nya.
ayon.hindi ko na inalala ung iba hindi lang yan ung mga masasakit na salita.marami pa yun.kinalimutan ko na lang..I mean kahit na biro yon masakit pa din un.pero okay lang.hindi na lang ako kumibo para wala ng gulo.hay.ayon umuwi ako.dun ko nilabas lahat.tutal ako lang naman mag-isa sa bahay hindi ko napigilan ang humagulgol talaga.kasi kahit ba ang liit lang noon ay ang sakit.sapul! tagos!
tinawagan pa ko ni mama para bumalik doon kasi nga sabi ko tinatamad na ko bumalik pero ang totoo nasaktan na ko.alam kong naramdaman ni mama un nung nag-uusap pa lang na nasaktan na ko kaya salamat mama.pinagtanggol mo ko! ayon.bumalik ako for mama.
ayon.okay na din siguro un.at least.now I know.
I know.ang sabi ko pa sa sarili ko:
I have to grew up faster.
ayon lang.share ko lang.
_nasaktan lang talaga ko pero okay na ko ngayon.pakisamahan na lang.
No comments:
Post a Comment