Monday, December 21, 2009

traffic >:|

Dec. 21, 2009
Monday

eto tumunganga ng kalahating araw sa bahay then naisip pumuntang SM after lunch so ayon nag-ayos ng sarili then lumuyas na sumakay ng Bataan transit.

ayun pagdating ng Palihan sobrang traffic kasi may ginagawang bridge dun tapos 'tong muntangang Genesis dun pa sa bridge nasira grabe.halos 1 hour ako dun sa bus buti na lang aircon then sabi ko sa sarili ko pa 3 pm hindi pa kami umuusad bababa na ko at babalik.at ayon nga ang nangyari.buti na lang may dala akong book dun sa bag ko at least may nagawa ako sa bus pero nauwi din ako sa pag-uwi.

naglakad hanggang Culis at sumakay na ng jeep pauwi.at eto na kumain ng kumain at nag-internet.

Sunday, December 20, 2009

Never ever miss UST's Paskuhan

December 18-19, 2009

Paskuhan na!
sabi nga nila: Don't dare and never miss UST's Paskuhan dahil ito daw pinakamasaya.At hindi sila nagkamali.ang saya!

Count Down
Count Me In

'yan ang theme dahil 400 days na lang to 400 years.o yea!!!

ayon pumunta sa dorm ni Julie ng mga 6 pm sa halip na usapang quarter.
then pa-load si Jhulz para ma-text na ang ibang block mates then punta ng UST una naming nakita si Arbert naglalakad papauntang Quadricentennial Square na dadaanan namin ni Jhulz.Ayun tinawag namin then tambay kami sa nabakanteng upuan doon.
At nakita kami ni Eena at nakipagkwentuhan saglit at umalis na din.Sumunod ng dumating si Abi at Kat at picture-an na agad.syempre!


Ken,  Kat, Julie, Abi

Gutom na kami ni Julie kaya bumili na kami ng makakain sa Jollibee Dapitan kasama si Kat at Abi. Pagbalik namin ay nakita namin Sab na may hinihintay sa tapat ng St. Raymund at si Sir Usal na may dalang SLR syempre nagpa-picture kami.adik talaga e noh? Then nalipat ng lugar at napadpad sa side ng likod ng main building.still in the Quadicentennial square.tapos picture-an na ulit.Doon nadagdagan na kami sina Mikael, Migs, Hera, at sina Joanne, Cham, Hya at Rowie na kadarating lang.syempre picture-an na naman kami.

Then may parade ng bawat college:


Then Picture-an ulit at naglakad na papuntang harap ng grand stand at nakasalubong ulit namin si Sir Usal at nagpa-picture ulit.haha.Then punta na sa harap 'nung narinig na ung mga taong nagsisigawan.May nagra-rappel sa main building then nagslide.ang galing.astig!!! may hawak na parang fire cracker.sorry hindi ko alam ang tawag e.


Main Building's beauty during Paskuhan.


Daming tao.hay naku.Sumiksik na sa Grand Stand.grabe.haha.then ayon nanood ng palabas napanood namin ang mga alumni ng UST na sina Miriam Quambao, Kim Atienza, Beverly...., sino pa ba??? tumugtog ang bandang 6 cycle mind at pumarty naman ang mga tao.ang saya! dami pang events e.haha.then ayun umalis ung iba para bumili pero si Kat nanakawan ng wallet. Pero umalis pa rin sila at sinabing babalikan kami pero hindi naman. Naiwan kami nila Cham, Julie, Hya at Rowie.'yon party pa din.hay super saya talaga! then hindi na nila kami binalikan malapit ng mag-12 'nung pumunta kami sa may mga stalls para maghanap ng food kasi gutom na kami e.haha.then malapit ng magfire works kaya tumakbo kami sa Grandstand ulit.haha.ang ganda ng fire works...grabe.


 
fireworks.

after 'nun akala ko tapos na.Pero tumugtog naman ang Sandwich..whooo!!!! This time mas malapit kami.haha.as in.dun talaga sa mga party people na.
then ayun sabi ni Julie may nahuli daw syang nagbubukas ng bag ko kaya siguro nawala 'ung hand sanitizer ko. Kaya nag-warning na sya sa'min.Tuloy ang party!!! hay saya! Tapos ng mga kanta ay pumunta kaming QuadirCentennial Square para kitain na 'ung iba pa.'Ung mga kasama namin kanina pero una naming nakita sina Migs at Eena then pumunta kami sa kabilang side at nakita namin 'ung iba pero wala na 'nun si Abi umuwi na. Kami naman ni Julie pumunta saglit ng Starbucks pero hindi na kami tinanggal dahil sa isang unreasonable na bagay.guess what's their reason:
WALA NA PONG YELO EH.

What the Hell!!! pwde namang bumili di ba? tsktsk.
sinisira nyo ang pangalan nyo.napaka-unreasonable talaga.

ayon nauwi kami sa 7-11 then bumalik na sa kanila.
hay ayon nagkaayaan sa Legion (comp. shop sa Dapitan) ayaw ko pa umuwi kaya sumama ako at wala akong baka umuwi.HAHA.
ayon inubos namin ang oras doon mga 1:30- 4:00 am kami dun.haha.si Migs umuwi na at si Mikael kami naman tuloy simbang gabi na nina Arbert, Julie, Michael, Joanne, Kat sa UST grand stand.oha! tibay! dun kami pumwesto sa may OsmeƱa drive.kwentuhan ng kung anu-ano then after mass bumili ng Bibingka sa Noval at naghiwa-hiwalay na kami pero kami ni Julie magkasama pa rin.Nagpunta kaming Ministop para doon tumambay pero walang upuan kaya napadpad sa Mcdo sa car park at doon na nagbreakfast at nagpaliwanag.haha.ayon 'nung maliwanag na e umuwi na kami sa kanya-kanya naming dorm.Nagpahinga lang ako saglit at naligo na at nag-ayos na ng mga iuuwi sa probinsya at naghihintay ng laundry ko.ang tagal grabe inabot akong 11 dun.Wala pa kong tulog.At sa bus wala akong ginawa kundi matulog lang ng matulog.HAHA.buti na lang hindi ako lumampas.

Saturday, December 19, 2009

1 FAM Christmas Party.:)

December 18, 2009
Friday

ayon medyo late ng lumuwas kasi okay lang naman ma-late.
mga 5 am na lumuwas compare mo sa dati na 4 am.haha.

dumating ako ng Manila around past 7 am na.
then nag-ayos na nang sarili pagdating sa dorm.
then punta na ng school kasabay si Bion then nakasalubong ko ang ibang boys na blockmates ko dun sa tapat ng building.

then akyat na sa 4th floor.grabe kapagod talaga dun.then pagdating dun sa may room nasa labas ung iba kong blockmates at si Sir Usal (psychology prof.) at nag-good morning ako sabay pasok na ng room.Pagpasok ko tinanong nila kung okay lang ako kasi nga nanakaw ang phone ko.Sabi ko naman.oo naman. salamat sa mga concern.

then ayun party.games.then punta naman kaming KFC para kunin na 'ung share ng group namin sa Christmas party.
 
sa stairs pababa. papunta ng KFC

then ayun.games pa rin then kainan na!!!!
 
si Abi yan.Gutom na.haha.kumakain ng dessert

then dumating si Ma'am Bebang (Filipino prof.) ayun bumati sa'min at nag-iindak.nakakatawa talaga si Ma'am.

 
si Ma'am Bebang.

pagkatapos ay nag-exchange gifts na kami...whooo!!!



 
ako at ang nakabunot sa'kin si Hera.


 
ako at ang nabunot ko si Sabrina.

after 'nun e kumanta ang banda namin ang FAMDESAL.
at group pictures na...saya!!!

 
ito ang FAM.

then hug.hug.hug na.at batian ng MERRY CHRISTMAS sa isa't-isa
ang saya at pagkatapos e.nagpahiran ng icings s amukha.
at naglinis na ng class room at lumabas na.Pinamigay namin ang natirang cake sa bata sa Dapitan at umuwi na ng dorm.


sa dorm naabutan ko si Bion at Alvin at sumunod si Michael at Tuya (sorry nakalimutan ko ung first name) then ayun tawana.trip.trip.kwentuhan.at nung umalis na sila at natulog na ko for Paskuhan mayang gabi.

Friday, December 18, 2009

from the blood line of Judas.

Dec. 17, 2009
Thursday.

masayang araw.like the other days but...
I never expected that I will experience something that this will hunt me for the rest of my life.

nakatakda akong umuwi ng probinsya ng Bataan noong araw na iyon.
mga 1 ng hapon ito naganap sa Lacson St. corner Piy Margal sa gilid ng Dominican school.

nakakatakot.pero hindi ako sumuko.simula pa lang...
kung susuko ako agad.walang mangyayari sa'kin.
kailangan lumaban.kailangan lang mag-isip.mag-isip!
sa pinakamabilis na paraan.


hindi ko alam kung paano ko ito ikukwento ang mga nangyari dahil isa itong kwento ng KATANGAHAN na ayaw ko ng balikan pa.pero sige ikukwento ko para hindi na madagdagan pa ang biktima nila.

NANAKAW ANG CELLPHONE KO AT PERA KO.
'yan ang highlight ng aking kwento.pero aking ibubunyag ang kanilang modus operandi.

una: kakausapin ka nila, magpapakilalang kagawad at sasabihing may itatanong lang ukol sa pambabastos sa isang babaeng dumaraan at hindi mo ito matatanggihan na para bang nahipnotismo ka nila sa pamamagitan ng tingin lamang.

pangalawa:may darating pang isang kasabwat na magkukunwaring naglalakad at ordinaryong tao na walang kinalaman sa mga nangyayari.

pangatlo:ilalayo ka nila at maghihintay sa kunwaring tindahan nila at isasama nila ang kanilang kasabwat sa sinasabi nilang sarhento ngunit iiwan sa'kin at sa aking bantay na tanod daw ng lugar ang gamit tulad ng cellphone at wallet at iba pang mahahalagang gamit.

pang-apat:babalik sila makalipas ang ilang minuto at sasabihin ng kasabwat na kaawaawa ang binugbog. At sasabihing ako naman daw ang dadalhin sa sinasabi nilang sarhento para tanungin at iniwan ko naman ang aking cellphone at perang nagkakahalagang 300 piso.

ikalima:Naglakad kami at pinaupo sa isang poste at sinabi sa'kin na dito na lang daw maghintay.

at nagising na ako sa malagim na katotohanan na NALOKO ako.
napaka-gullible ko.ang TANGA-TANGA ko.sobra!!!!

kaya bumalik ako sa may tindahan at pagbalik ko nga ay wala na 'ung dalawang naghihintay doon at dali-daling nagpuntang Dapitan para umutang ng pamasahe pauwing probinsya kay Julie.

at 'yon na nga.wala akong inisip sa bus kundi 'yon.
naisip ko na ang TANGA-TANGA ko talaga.grabe.
pagdating ko sa bahay ay agad kong sinabi at ikunwento ang mga pangyayari.

kinagabihan ay nagsimabng gabi ako pinagdasal ang kanilang mga kaluluwa.
at mapayapang natulog at lumuwas ulit kinabukasan para sa Christmas party at Paskuhan.:)

naisip ko na lang sa huli na baka mas kailangan niya ng pera kaya niya nagawa 'yon at bahala na ang Diyos sa kanila.

Masusunog din sila sa impyerno tulad ni Hudas.

Tuesday, December 8, 2009

nakasabay ko si Edward Cullen sa LRT.xDDD

last Saturday December 05, 2009 sa Tayuman station.(line 1)...
may super fan dun ng Twilight ayun may hawak siyang book ng eclipse at take note nakacontact lens sya na kakulay ng sa mga Cullens at pati buhok ni Edward Cullen kuha nya...
share ko lang....
natuwa lang ako sa kanya.
nice one kuya.:) peace tayo.:)