Friday, December 18, 2009

from the blood line of Judas.

Dec. 17, 2009
Thursday.

masayang araw.like the other days but...
I never expected that I will experience something that this will hunt me for the rest of my life.

nakatakda akong umuwi ng probinsya ng Bataan noong araw na iyon.
mga 1 ng hapon ito naganap sa Lacson St. corner Piy Margal sa gilid ng Dominican school.

nakakatakot.pero hindi ako sumuko.simula pa lang...
kung susuko ako agad.walang mangyayari sa'kin.
kailangan lumaban.kailangan lang mag-isip.mag-isip!
sa pinakamabilis na paraan.


hindi ko alam kung paano ko ito ikukwento ang mga nangyari dahil isa itong kwento ng KATANGAHAN na ayaw ko ng balikan pa.pero sige ikukwento ko para hindi na madagdagan pa ang biktima nila.

NANAKAW ANG CELLPHONE KO AT PERA KO.
'yan ang highlight ng aking kwento.pero aking ibubunyag ang kanilang modus operandi.

una: kakausapin ka nila, magpapakilalang kagawad at sasabihing may itatanong lang ukol sa pambabastos sa isang babaeng dumaraan at hindi mo ito matatanggihan na para bang nahipnotismo ka nila sa pamamagitan ng tingin lamang.

pangalawa:may darating pang isang kasabwat na magkukunwaring naglalakad at ordinaryong tao na walang kinalaman sa mga nangyayari.

pangatlo:ilalayo ka nila at maghihintay sa kunwaring tindahan nila at isasama nila ang kanilang kasabwat sa sinasabi nilang sarhento ngunit iiwan sa'kin at sa aking bantay na tanod daw ng lugar ang gamit tulad ng cellphone at wallet at iba pang mahahalagang gamit.

pang-apat:babalik sila makalipas ang ilang minuto at sasabihin ng kasabwat na kaawaawa ang binugbog. At sasabihing ako naman daw ang dadalhin sa sinasabi nilang sarhento para tanungin at iniwan ko naman ang aking cellphone at perang nagkakahalagang 300 piso.

ikalima:Naglakad kami at pinaupo sa isang poste at sinabi sa'kin na dito na lang daw maghintay.

at nagising na ako sa malagim na katotohanan na NALOKO ako.
napaka-gullible ko.ang TANGA-TANGA ko.sobra!!!!

kaya bumalik ako sa may tindahan at pagbalik ko nga ay wala na 'ung dalawang naghihintay doon at dali-daling nagpuntang Dapitan para umutang ng pamasahe pauwing probinsya kay Julie.

at 'yon na nga.wala akong inisip sa bus kundi 'yon.
naisip ko na ang TANGA-TANGA ko talaga.grabe.
pagdating ko sa bahay ay agad kong sinabi at ikunwento ang mga pangyayari.

kinagabihan ay nagsimabng gabi ako pinagdasal ang kanilang mga kaluluwa.
at mapayapang natulog at lumuwas ulit kinabukasan para sa Christmas party at Paskuhan.:)

naisip ko na lang sa huli na baka mas kailangan niya ng pera kaya niya nagawa 'yon at bahala na ang Diyos sa kanila.

Masusunog din sila sa impyerno tulad ni Hudas.

No comments: