Sunday, December 20, 2009

Never ever miss UST's Paskuhan

December 18-19, 2009

Paskuhan na!
sabi nga nila: Don't dare and never miss UST's Paskuhan dahil ito daw pinakamasaya.At hindi sila nagkamali.ang saya!

Count Down
Count Me In

'yan ang theme dahil 400 days na lang to 400 years.o yea!!!

ayon pumunta sa dorm ni Julie ng mga 6 pm sa halip na usapang quarter.
then pa-load si Jhulz para ma-text na ang ibang block mates then punta ng UST una naming nakita si Arbert naglalakad papauntang Quadricentennial Square na dadaanan namin ni Jhulz.Ayun tinawag namin then tambay kami sa nabakanteng upuan doon.
At nakita kami ni Eena at nakipagkwentuhan saglit at umalis na din.Sumunod ng dumating si Abi at Kat at picture-an na agad.syempre!


Ken,  Kat, Julie, Abi

Gutom na kami ni Julie kaya bumili na kami ng makakain sa Jollibee Dapitan kasama si Kat at Abi. Pagbalik namin ay nakita namin Sab na may hinihintay sa tapat ng St. Raymund at si Sir Usal na may dalang SLR syempre nagpa-picture kami.adik talaga e noh? Then nalipat ng lugar at napadpad sa side ng likod ng main building.still in the Quadicentennial square.tapos picture-an na ulit.Doon nadagdagan na kami sina Mikael, Migs, Hera, at sina Joanne, Cham, Hya at Rowie na kadarating lang.syempre picture-an na naman kami.

Then may parade ng bawat college:


Then Picture-an ulit at naglakad na papuntang harap ng grand stand at nakasalubong ulit namin si Sir Usal at nagpa-picture ulit.haha.Then punta na sa harap 'nung narinig na ung mga taong nagsisigawan.May nagra-rappel sa main building then nagslide.ang galing.astig!!! may hawak na parang fire cracker.sorry hindi ko alam ang tawag e.


Main Building's beauty during Paskuhan.


Daming tao.hay naku.Sumiksik na sa Grand Stand.grabe.haha.then ayon nanood ng palabas napanood namin ang mga alumni ng UST na sina Miriam Quambao, Kim Atienza, Beverly...., sino pa ba??? tumugtog ang bandang 6 cycle mind at pumarty naman ang mga tao.ang saya! dami pang events e.haha.then ayun umalis ung iba para bumili pero si Kat nanakawan ng wallet. Pero umalis pa rin sila at sinabing babalikan kami pero hindi naman. Naiwan kami nila Cham, Julie, Hya at Rowie.'yon party pa din.hay super saya talaga! then hindi na nila kami binalikan malapit ng mag-12 'nung pumunta kami sa may mga stalls para maghanap ng food kasi gutom na kami e.haha.then malapit ng magfire works kaya tumakbo kami sa Grandstand ulit.haha.ang ganda ng fire works...grabe.


 
fireworks.

after 'nun akala ko tapos na.Pero tumugtog naman ang Sandwich..whooo!!!! This time mas malapit kami.haha.as in.dun talaga sa mga party people na.
then ayun sabi ni Julie may nahuli daw syang nagbubukas ng bag ko kaya siguro nawala 'ung hand sanitizer ko. Kaya nag-warning na sya sa'min.Tuloy ang party!!! hay saya! Tapos ng mga kanta ay pumunta kaming QuadirCentennial Square para kitain na 'ung iba pa.'Ung mga kasama namin kanina pero una naming nakita sina Migs at Eena then pumunta kami sa kabilang side at nakita namin 'ung iba pero wala na 'nun si Abi umuwi na. Kami naman ni Julie pumunta saglit ng Starbucks pero hindi na kami tinanggal dahil sa isang unreasonable na bagay.guess what's their reason:
WALA NA PONG YELO EH.

What the Hell!!! pwde namang bumili di ba? tsktsk.
sinisira nyo ang pangalan nyo.napaka-unreasonable talaga.

ayon nauwi kami sa 7-11 then bumalik na sa kanila.
hay ayon nagkaayaan sa Legion (comp. shop sa Dapitan) ayaw ko pa umuwi kaya sumama ako at wala akong baka umuwi.HAHA.
ayon inubos namin ang oras doon mga 1:30- 4:00 am kami dun.haha.si Migs umuwi na at si Mikael kami naman tuloy simbang gabi na nina Arbert, Julie, Michael, Joanne, Kat sa UST grand stand.oha! tibay! dun kami pumwesto sa may OsmeƱa drive.kwentuhan ng kung anu-ano then after mass bumili ng Bibingka sa Noval at naghiwa-hiwalay na kami pero kami ni Julie magkasama pa rin.Nagpunta kaming Ministop para doon tumambay pero walang upuan kaya napadpad sa Mcdo sa car park at doon na nagbreakfast at nagpaliwanag.haha.ayon 'nung maliwanag na e umuwi na kami sa kanya-kanya naming dorm.Nagpahinga lang ako saglit at naligo na at nag-ayos na ng mga iuuwi sa probinsya at naghihintay ng laundry ko.ang tagal grabe inabot akong 11 dun.Wala pa kong tulog.At sa bus wala akong ginawa kundi matulog lang ng matulog.HAHA.buti na lang hindi ako lumampas.

No comments: