Sana natatanggihan ang puso noh?
'ung masasabi mong "ayoko na", "'wag na lang siya", at "'wag mo kong pahirapan"
para wala ng nasasaktan, wala na umiiyak sa mundo.
~kenkun orig.:)
Saturday, February 27, 2010
Labinlimang minuto sa piling mo.
02.19.10
UST Library (Civil Law branch)
UST Library (Civil Law branch)
Ligalig ang isipan, 'di pakali sa upuan
Hitsura'y 'di mapinta, tinatalo ng problema
Mata'y nagtama, ginawa'y mabilis na ilag
'Di kayang titigan kang may malalim na pangitain.
O, kay gandang mukha, ngunit bakit kay lungkot?
Kung puwede ko lang sanang tanungin ang iniinda mo
Nais matulungan, 'di mawari ang dahilan
Aking hiling na makilala ka, nang mapawi ang pag-iisa.
At ngayo'y lumisan ka, umalis sa aking harapan
Labinlimang minuto'y dumaan, o kay bilis ng orasan
Walang magagawa, dahil wala namang karapatan
Umaasang sa muling pagkikita, ngiti na ang nilalaman.

Saturday, February 20, 2010
Sa pagtumbling ng mga tuyong dahon.
Hapong-hapo sa paglakad
Tila walang hangganan
Naghahabulan ang mga binti
Sapagkat pakagat na ang dilim
Nagpapansin ang tuyong dahon sa kalye
Sumirko nang ipakita ang gilas
At nasabi sa sariling...
"buti pa ang mga tuyong dahon...masaya."

~orihinal na gawa ni kenkun
(sa daan pauwi)
lamig ng pag-iisa.
Daig pa ang lamig ng simoy ng hangin sa gabi.
Nag-iisang nakaupo sa ilalim ng aandap-andap na liwanag.
Nag-iisang nakaupo sa ilalim ng aandap-andap na liwanag.
~orihinal na gawa ni kenkun.
(pavilion)
(pavilion)
maraming nababago ang paghihintay...
Suko na sabi ng utak ko,
Pagod na ang mga daliri ng kamay ko,
Masakit na ang ulo ko,
Sawa na ko sa ganito,
at higit sa lahat...
Durog na ang puso ko.
Pagod na ang mga daliri ng kamay ko,
Masakit na ang ulo ko,
Sawa na ko sa ganito,
at higit sa lahat...
Durog na ang puso ko.
~orihinal na gawa ni kenkun...
(sigaw ng pagkatao)
(sigaw ng pagkatao)
wagayway ng puting watawat sa laban ng pag-ibig
Sakit na walang lunas sa puso kong sugat na
Hapo sa iyo dahil lubos kitang iniibig pa
Tanong na lumiligalig, naghahanap ng sagot
Tanging ikaw lamang ang magbibigay kalinawan
Upang kahibangan ay akin ng wakasan
Sabihin kung ayaw para hindi na umasa pa
Pagkat puso ko'y tigang at durog na
Hanggang kailan mag-aantay sa iyong pagbalik
Bilis-bilisan mo't baka maiba ang nais
Pagkat unti-unting nawawala, napapagod ang dibdib
Misteryong bumabalot, epektibong gayuma
Pagkataong 'di mabasa ng kahit sinuman
Pana ni kupido tumusok na parang bala
Sa'yo o giliw ko, ano ba ang nakita?
At nagkakaganito ngayon, nababaliw sa tuwi-tuwina
Pilit ibinabalik tamis ng nakaraan
Ngunit ang kahapon ay isa lamang kalokohan
Tangang maituturing, paghihintay sa hindi darating
Tapos na ang laro, sawa nang madehado
Sa laban ng pag-ibig na isa lang ang tumatangkilik
Hilumin mo Poon at ng matapos na
Kalbaryong dulot ng tunay na pagmamahal
Nawa'y pagpahingahin Mo sa lambot ng Iyong mga ulap
Aliwin sa mga bituin, pabalikin ang naglahong galak
Upang sa pagsikat ng yaring araw, bagong umaga ang saki'y nakaabang

at sa tulong ni Julie sa ilang pagrerebisa.
at sa tulong ni Julie sa ilang pagrerebisa.
Saturday, February 13, 2010
pananariwa paglipas ng halos isang taon kong pagkawala.
Sundo ng kaibigan ay ipinagpasalamat
Sapagkat hindi pinabayaang talunin ng hiya
Ako'y sinalubong ng mga matang mapanuri
Sino ba ito? tanong nila sa sarili
A! Si Kuya lang pala na lumisan noong nakaraang taon.
Binati ng mga ngiti mula sa mga kakilala
At tiningnan sa pagtitig ng madlang nagtataka
Nilakasan ang loob upang magpatuloy
Mano sa magulang, yakap sa may kaarawan
Tingin ng kapamilya'y liwanag ng pag-asa.
Lumakad tungong poso
Upang hugasan ang mukhang nababad sa arawan
Daan sa kantina ngiti kung saan-saan
Usap dito, usap doon ang aming pinagkaabalahan
Nakalimutang nagtapos na pala sa institusyong kinalalagyan.
Balik sa pwesto, tanaw kita sa malayo
kwentuhan at tawanan aming hinahanap-hanap
Muling nakamtan habang nagtitiis sa pagtayo
Tawag ng guro ang pumukaw sa atensiyon
Kumustahan ay naganap at natapos sa picture-an.
Dinatnan ng Ngawit, ginawa ang huling sulyap
Umaasang kahit lingon man lang ay aking makamit panandalian
Ngunit bigo pa rin at patuloy na nasasaktan
Dahil pait ng nagdaang taon at tila kahapon lamang
Laglag ang balikat, sumugod ng muli sa nakasusugat na arawan.

on the spot poetry. kenkun origs!
Napadpad ako sa dati kong paaralan ang Saint Peter of Verona Academy sa hindi sinasadyang pagkakataon noong nakaraang Linggo (Pebrero 07, 2010)
Sinundo ako ni Jhazs sa may gate at aking nalamang Family Day pala roon.
Sinundo ako ni Jhazs sa may gate at aking nalamang Family Day pala roon.
Subscribe to:
Posts (Atom)