Showing posts with label saya. Show all posts
Showing posts with label saya. Show all posts

Monday, June 1, 2009

19 hours na libot.xD

June 1-2 2009.
Monday na inabot ng Tuesday.

ayun.eto na naman ang gimik forever ng SPED.yea! natuloy rin ang subic.
ayun 6:30 AM ang usapan sa plaza para makasabay kami sa service ng RS dun sa starex nila ela.haha.so ganito na kami kahirap? haha.hindi naman.ang saya nga.katuwa talaga.parang ang desperado't desperada namin na lumibot.6:30 AM biruin mo yan.parang first day of school din namin.haha.ayun dumating ako nandun na si donna tapos ayun kwentuhan saglit tinitingnan mga pumapasok sa SPVA.kakamiss.haha.then ayun tinawag na nila kami.

si micah dinaanan namin sa kanto sa may palihan.ayus kaming lima lang e.kasi si cham na bankrupt daw,si ric tulog pa nung dinaanan namin, si glenne di pinayagan, si jeramine nakaempake na daw.HAHAHA.:)).ayun kaya kami lang balak nga namin susunod na lang sila kaso hindi rin sila nakasunod.tsk.kaya kami na lang talaga!

mga 7:20 AM nakarating na kami sa RS.ayun haha.ang daming service.haha.traffic kaya bumaba na kami then sakay ng van na namamasada para bumaba na sa may gate at gumala na.simula na! haha.lakad.ayun napunta kaming mcdo.aga! breakfast kasi ang aga pa talaga tska si micah at ela di pa nagbre-breakfast kaya yun.nakita namin dun si amiel.gagala din.aga din! ayus.ayun kain kami.haha.fries and sundae lang.ayun kwentuhan then umalis na si amiel kasi dumating na ung kasama nya e.ayun kami naiwan picture-an.at nakapanood pa ng video (scandal) galing kay micah.haha.si micah talaga ang aga-aga.haha.hindi man talaga namin pinanood ng buo lipat-lipat.ayun alis na rin kami.tagal din namin dun.paubos oras.tambay!

ayun lakad papasok ng gate then ayun sinita kami ng guard at hinanapan ng ID.sabi ni ela RS kami 4th yr. kaso hindi namin dala ung id namin e.sabi ba naman ng pulis binigay daw sa bf/gf namin.topak e.bwct! ayun.nakaligtas.best in walking papuntang boardwalk.wala lang tambay.malulam ang panahon.umuulan din.hirap.nako pero kaya.saya! enjoy lang.

ayun nakarating din sa boardwalk.wala tambay lang dun sa may nipa hut.haha.palamig lang.sarap ng hangin e.maaraw na.hay sa wakas.pero hindi mainit.ayun picture-an tapos nakakit ng mga talangka.tinuro ko kay donna ayun naadik nga ata e? haha.hindi na tinigilan ang paghahanap.naku.haha.ayun lakad-lakad nung mainip dun sa tabing dagat tapos tiningnan ung mga butas na nilulusutan ng mga talangka.pinagtatakpan namin.HAHA.:)) then ayun sila bato ng bato ng bato sa dagat si micah malalaking bato binabato.haha.tapos sisigaw sila.haha.parang sa mga koreanovela.ganun.sinisigaw kunwari ung mga sama ng loob.tawa lang.saya.nagpapahabol din sa alon.parang tanga.haha.pero ang saya.nagsulat sila sa lupa.tapos tambay sa may upuan sa may pier one kaso hindi pa sila open kaya umalis na kami para makakain.

then ayun lakad pabalik ng gate para mag-malling at gusto nilang bumiling shorts ayun napadpad sa Lovely K tindahan un.haha.pasok tambay lang kakilala si etang dun.wala ikot-ikot then intriga dun sa tindera,HAHA,ayun labas na.lakad.then
may amerikano
nakamotor ayun ata boss ng lovely k pro hindi kami sure.ayun kinawayan ni jenah then nag-flying kiss!!!! BWAHAHA!!! type si micah!!! uyyyy!!! may binibigay na card e.hindi namin alam kung ano un? blue e.credit card or calling card? kasi sumesenyas na tawagan daw sya.ayun tawanan then trip-trip daw.peperahan daw namin.ayun nung lalapit na kami bigla ba namang umalis.pumasok ata? hindi nami nalam kaya naglakad na naman kami.hay habang lakarin napadpad sa timesquare pero napagkasunduang kumain sa chicken BBQ dun sa nadaanan namin.kaya balik na naman kami.haha.nung napadaan naman kami sa lovely k pawnshop ung guard parang ewan.haha.parang manyak! ew.haha.tinatanong pangalan ata ni etang pero iba hitsura nya.ew.haha.:)) ayun sabi namin cleo chil haha.:))


ayun nakarating na rin sa chicken BBQ.naku.hindi kami masensor ng pinto.haha.hindi bumubukas.dapat eat all you can kami kaso mukhang hindi masarap kaya nag single order kami.ayus sarap! haha.ayun kwentuhan,picture-an lagi namin.
bottomless iced tea
kami.sulit! haha.naku ayun ang tagal din naming tumambay sa loob.talagang hanggat hindi kami tinitingnan hindi kami aalis.haha.:)) ayun si etang nagnenok pa ng mga tissues sa restroom.haha.pamunas namin.ayun labas na kami pero hindi pa rin kami umalis sa chicken BBQ dun lang kami sa labas.haha.sa gilid akala nila umalis na kami.haha.ayun kwentuhan na namang walang patid tska pinagusapan ung mga hindi nakasama.tawa! binalikan ang memories.


then nung tiningnan na kami ng guard umalis na kami.haha.talaga nga naman oh.ayun lakad na naman kami.naku pagod.usap-usap nauso na naman ang
ST. I....DON"T KNOW..YEEEEESSSSS!!!!! talagang kaming lahat sanib pwersa ang lakas! ayu nnagmalling na para mgahanap ng shorts nila ayun haha.restroom ulit then hanap na.naku tagal kaya kami ni jenah nagpunta muna sa laruan ayun naglaro sya nung sa motor tapos gusto kong magdance revo kaso ung bata ang tagal umalis.e ang dami nya pang tokens naku.kaya ayun nag-indiana jones na lang ako.then laro-laro-laro dumating sila naglalaro kami nung table na may chip tapos paramihan ng ma-shoot sa goal site ng kalaban.panalo ako.then ayun naglaro si donna ng barilan.haha.then ayun alis na kami punta naman kaming tom's world kasi nagbabakasakaling may dance revo kaso wala.sayang gusto ko talagang magdance revpo nun.haha.then ayun laro ng SPIN N WIN ang saya ang ingay namin!!!! saya! then ung sa nilalagayan ng token or piso para mahulog ang piso or token.basta ayun then nakita namin si ian ung classmate ni cham.then ayun dami na naming tickets.haha.kaso ang ewan naman hindi daw mapapalitan ngayon sa Thurday pa ata? haha.as if babalik kami para lang dun.kaya un sa sm na lang ata ipapapalit ni donna.then ayun labas na ng mall tapos nakita namin si oscar at isang babae na kaibigan din ni etang.ayun lakad pabalik sa boardwalk.naku habng lakaran na naman! umuulan.naku naman! ayun nakisilong sa may resto.haha.then lakad.naghahanap kasi kami ng motel haha.kasi inaantok na kami o kaya ktv kayang wala e.kaya un tambay na lang
Tappan park.kwentuhan.picture.tahimik na medyo napapagod e.haha.then ayun lakad na naman napadpad sa labas ng seafood by the bay.haha.kasi sarado pa naman e.tapos may nagbabalot dun na parang baliw! haha.alam mo ung hindi sya makaintinding hindi kami bibili ang kulit nya talaga! super.tapos halos lahat ng tinda nya nabanggit nya na pati asin at suka para sa chicharon.paulit-ulit un.nakakairita nga e,nanahimik na lang ako kasi nabubusit na ko.sila pinagtri-tirp-an nila.haha.ayun ang kulit as in parang hindi sya napapagod magsalita.ung balot nya 20 pesos.gaaahhhddd.mahal.haha.then ayun sa sobrang tahimik ko kinausap nya ko tapos sabi nila micah pipi po sya.HAHAHA.:)) natatawa talaga ako.bigla akong naging pipi kaya ayun sinakyan ko na lang.haha.ayun nagsesenyasan kami.ang saya tapos sila nage-english na nagkukunwari pa ngang mga koreana e.iniiba ung mga salita nila.haha.ayus di ba.then ayun nilubayan na din kami ng nagbabalot.then ayun biglang lumabas ung empleyada ng seafood sabi nami nmay hinhintay lang kasya lang pinaalis pa rin kami.kaya ayun napalayas na naman!!!


pinagsususpetshan namin ung nagbabalot na sinumbong kami.haha.:)) ayun napadpad kami sa pier one.kwentuhan then nilapitan na kami ung lumapit din kanina sa'min para sabihing hindi pa sila open pero nagyon open na sila.weee!!! kaya ayun umorder kami ng shakes.ayus di ba.naka-close namin ung si kuya jeffrey (waiter sa pier one). guess what? nilibre nya kami ng isang shake.ayus di ba? haha.then ayun ang tagal din namin dun.paubos oras na naman.as in super tagal tapos inaasar si micah na mabenta sa mga kano kaya twing may makikita kami pinapartner kay micah.pinatrip-an namin si micah saya.haha.tapos dumating na naman ung nagtitinda ng balot ang kulit nya talaga.irita! kaya ayun hindi na nakapagpigil si donna dineretso na ung mama.kawawa nga e.tsk per ang kulit naman kasi e.nagpapicture pa kami with kuya jeff then nung sobrang tagal na e.tumayo na kami gala sa tabing dagat.lakad-lakad picture-an.ang saya!

ayun nauwi na naman sa laro.haha.gumawa sila ng bilog sa lupa at naglaro kami nung nilaro namin sa court.ang ingay na naman namin.then picture-an na naman.lakad-lakad ayun nagdugtungan naman kami after.saya talaga! then biglang umambon at tumuloy sa malakas na ulan kaya tumakbo na naman kami papunta sa mga table sa pier one.ayun kwentuhan muna dun sa table kung anu-ano about sa mga artista.mag lihim nila.HAHAHA.:)) buking sila.ayun punta na talaga sa loob ng pier one ayun order na naman.iba na ung waiter bago e.pero naka-close din ayun order kami ng dinner.saya! kain-kain live bands,yea! haha.ayun then kwentuhan na naman tapos nung mainip kami kasi nga lumungkot na ung mga kinakanta nila kaya lilipat kami ng bar.ayun lakad na naman ng super layo papuntang gate kung saan hinihintay kami ni oscar friend ni etang ayun.umuulan pa rin punta kami sa cafe balooga ang layo haha.sa hanay talaga ng mga bars at beer houses.night life yea! haha.ayun wala pang tao dun kasi nga ang aga pa mga 10 PM na siguro nun pero
12 AM
kasi talaga nags-start e. si etang napagkamalan pang sya ung naga-apply e.kamukha nya daw.haha.e sa wala ngang tao e bumalik kami pero this time nag-taxi na kami.yea! ayun!


napunta na naman sa may pier one kasi nga ung bar na katabi nun wala pa rin daw tao kaya pier one na lang kami.ayun upo na naman.order na naman.ung bagong waiter ulit.ayun order kami ng tigi-tig isang red horse pero si jenah
san mig light
.ayun inom-inom-inom.haha.hanggang sa maubos namin.haha.ayun nung matapos na balik ulit kami sa gate para umuwi na.lakad na naman kami.punta kami sa saulog terminal kaso 1 AM pa daw ung susunod na bus e 12:30 AM pa lang.kaya hinatid na muna namin si oscar dun sa may main road.ayun bye-bye,:)


then balik kami sa terminal.haha.bagsak kami sa hinatayan.at sa wakas nakasakay na rin.ayun hilata lang sa upuan hanggang dinalupihan.naku ayun wala ng jeep.tsk kaya nagtricyle kami hanggang hermosa..haha

ayus naman.nakauwi na ng 2 AM sakto then nag-ayos ng sarili si kuya wala pa sa bahay nung dumating ako per nung nakahiga na ko dumating na sya.:))

Sunday, May 10, 2009

lifetime memories.

highschool memories to.haha.
naku share ko lang
iyakan,tawanan,kwentuhan,at iba-iba pang ala-ala nung HS.
hay sarap balikan
kakamiss.

Freshman year______________________
section: I-St. Joseph the worker
adviser: Mrs. Gilda Basi

kakakaba ang first day.i can't forget ung first day na pumasok ako sa gate ng SPVA.as in.haha.hindi kami makapaso ni renz sa kaba.haha.kakatawa.then ayun.nakapasok naman.ayus! freshman year ko nakilala ang una kong tropa nag BERKZ (ako,jonard,jhazs,danna,abby,warren,grace,jenah) yan.san nga ba galing ang berkz? ang berkz ay as far as i can remember is a name of a KRISKA group at group din un ng mga cleaners.actually inumit lang namin ung name na un.haha.at hindi ko alam kung sino nagsimulang tumawag nito sa'min.nung first year din hindi ko makakalimutan nung napatakan ako ng tumutulong tunaw na glue stick kasi idinidikit ko ang something na nasira.then nanalo din kami ng 3rd place sa interpretative dance.whoa! ayus un.kahit nasira bala namin nanalo pa rin kami.at higit sa lahat unexpected na magiging first honor ako.akalain mo un?! haha.ayus!

_____________________Sophomore year
section: II-St. Catherine of Siena
adviser: Mr.Edmond dela cruz

uh.two times ata ako umiyak sa year na to.haha.nung una sa paglilinis at ung pangalawa nabastos sa campaign gosh.i'm so immature that time! haha.naaalala ko pa 'nung si Warren napaglitan kasi nga narinig ni sister ung nagpaputok ng bubble gum sa flag ceremony.ayun iyak sya ng iyak as in hanggang sa room.nagkaroon ulit ako ng bestfriend si Hyson.i think it started when i texted him.then ayun some contests diocesan like science quiz bee na naging 3rd kmai.yea! diocesan na un.at ung chorale competition.haha.talo kami.4th yata kasi naman ung nag-o-organ mali e.tsk! ah dito rin akp first time na umuwing umiiyak.as in.inis nga un e.haha.kasi naging 3rd honor ako.omg anong nangyari?! tapos ayun habang pinag-uusapan namin un kunwari okay lang ako pero hindi nagpipigil lang ako.masakit promise.nakakahiya.shocks! then ayun sa huli nabawi ko rin.yea! naging Berkz si renz sa year na 'to.

Junior year_________________________
section: III-St. Lorenzo Ruiz
adviser: Miss Filipinas Ventanilla

junior year? uh prom.prom.prom.yea! kahit bitin.haha.ayun uhh i also remembered nung naghaharutan kami nadali ako sa may braso.as in sakit! grabe napaluha ako.haha.tsk.tsk.ayun then speech choir filipino.masaya naman.in this year i also lost my bestfriend kasi sya e.haha.he deceived me.kaya ayun.ah eto siguro pinakamahirap na year ko? daming problems e.dito din kta naging cruck oo si ikaw.haha.cute kasi e.ayun from crush to love.naman.wasted nga e.tsk.'nung concert si janine agaw eksena nung sumigaw kasi nagayod ni lei un *tooot.... nya.haha.napagalitan.

________________________Senior year
section: IV-St. Edith Stein
adviser: Mrs. Loreta Margallo

eto siguro pinakamagulo.haha.ayus.masaya pero dito rin sa year na 'to nangyari ang pinakamasakit sa tingin ko?.hari na ng school naging SCO secretary naging Editor-in-Chief ayus noh.then ayun.hinding-hindi ko makakalimutan ang pinagsaraduhan ako ng glass door habang nag-e-explain.gosh pero wala akong nagawa kundi manahimik at magtiis nasa posisyon ka e,wala pa ko laban estudyante lang ako.at ung isyu na nandadaya raw ako sa math wtf! talaga to.naku umiyak ako sa harap ng mga classmates ko as in sa flatform talaga.eto natatandaan kong lines na sinabi ko "first honor? sa inyo na! hindi naman talaga mahalaga sa'kin yan e.mas mahalaga sa'kin kung ano ang iisipin ng mga tao" naks di ba.tahimik sila.then ayun walked out sa room.sa aking pagkadismaya.wala man lang sumunod sa'kin para i-comfort ako.i made it through on my own.iniisip ko nung oras na un.nasan ang mga kaibigan ko? ayun.pero okay na ko dun.kasi may nagtanong naman na isa kung okay na ko.si Joana.haha.ayun sabi okay."okay na ko." on the same year nabuwag na ang BERKZ pero may pumalit ang BAM (ako,jhazs,renz,danna) love you guys! dito ko na-enjoy ang speech choir.sarap ng feeling ng nananalo lahat ng pagod mo worth it.yea! diocesan 2nd place at division 3rd place.saya talaga! BATAAN HAS FALLEN and THE ANATOMY OF A FILIPINO.mami-miss ko talaga ang training namin dito.practice kung practice walang arte-arte ung warm up namin ang saya! haha.super mami-miss talaga.tska iba bonding namin sa speech choir.haha.sharing kapag break time.ang saya talaga! lastly nung malapit ng matapos ang school year i started to forget about you
.kahit masakit..kahit ayaw ko.

memories that will last forever.
Saint Peter of Verona Academy.
from year 2005 to year 2009
napakadaming nangyari sa school na 'to.salamat.

Monday, May 4, 2009

pista.

May 3,2009

ayun ginising ni daddy ng maaga kasi nga kailangan nami nkunin ung in-oder na foods sa balanga so kahit na gustong-gusto ko pang matulog e napilitan kasi naka-oo na ko na sasamahan ko nga si daddy.ayon parang zombie-ng bumangon.haha.kakatamad!

then ayon punta kila tita d para kunin ung adventure tska ung listahan ng mga in-order.then sa byahe as usual soundtrip lang.ang daming nagte-test pero deadma pa ko nakakatamad kasing magtext e.then ayon nakarating na.hintay ng konti then uwi na.yey! then pagdating sa bahay tinikman ko ng isa-isa ung mga handa.haha.ung fried chicken,lumpia,gelatin at marami pa.tapos nakinig ng radio para sa laban ni pacquiao.ayus panalo! 2nd round lang. haha.then text din with jhazs and nogue..then inantok ako.busog e! haha.xD then nagising ako may bisita na si ate at after a couple of minutes dumating na rin sila Danna at Renz.gosh kagigising ko lang.pero no big deal kasi naman halos best friends ko na di nun.tropa ko un kaya okay lang.ayon tawanan kainan.tapos nun ang tagal ng laban ni pacquiao.kaya kinuha muna namin ung cake sa orani.hay naku.by request un ni renz.oha! haha.then uwi na.kain ulit.naguto mna naman e.kwetuhan sa terrace at naka-jackpot kay tita let ng 500 haha.ayus! panglibot! then ayon dumating na din si jhazs.kainan na naman! uhh..bee hives.yea! wala talaga akong ginawa ngayon kundi kumain.pista kasi e.libre! yea! daming foods! sarap.ayus talaga!

then ayun nung mga bandang hapon na talaga nagpunta kami kila harriett nagkantahan sila at picture-picture na din.yea! sumunod lang ako dun kasi nga dumating ung mga relatives kaya sabi ni mama tulungan ko muna raw sya dun naabutan ko kial harriett sila ershey,aubrey, at syempre sila harriett,jhazs,danna,renz.then dumating naman sila janine,warren,jovelle,patricia pero si patricia umuwi agad.after magkantahan punta naman kami sa'min.kainan na naman! haha.saya at picture.picture na naman.then lakad na papuntang plaza.ung iba ngapunta kila regiena pero ako at si jhazs sa kanila na lang.wala lang.haha.then ayun.kwnetuhan lang with tita then dumating si renz.haha.kwentuhan,kain ulit kami ng handa nila jhazs ung leche flan, uhh buko pandan daw.haha.at ung luto sa beef na gustong-gusto ko.busog na naman kami at nanuod kami ng fireworks! yey! ganda.

then lakad na papuntang perya.haha.wala lang.ayun sakay sa rides like ferry's wheel at ung horror train na walang kwenta.haha.nakakatawa lang.then ayun perya-perya sila taya-taya sila.then nagtext si jenah kasi sasama ako sa SPED after ko sa mga classmates ko.so ayun kasama ko na si jeramine,jenah,russel,glenne,micah at si ela a.k.a. SSSS (shining shimmering splendid sazon) bagong code name.haha.ang saya! sakay sila ng horror tarin at ferry's wheel then kasama nila akong sumakay sa caterpillar.then after namin sa rides taya-taya ulit.haha.ang saya! ang taray nga nung isang nagpapaperya e.haha.sama titingin kapag nananalo kami kaya umalis na kami.haha.proceed sa covered court.pagdating namin may magic show.haha.ayun habang may umaalis palapit kami ng palapit sa stage.ang saya! then nung banda na kami lang ung masaya kasi kami lang ung nagpaparticipate.haha.ung mga girls (jenah,micah etc.) sumasayaw at kami ni russel umuugoy-ugoy lang.haha.at nakikikanta kami.nabuhayan nga sa'mi nung singer e,kasi nga malalata ung mga tao hindi nakikipagparticipate.napapangiti sa'min ung singer kasi nga ang saya namin.then bigla ng lumabas ung main event si jennifer lee (viva hot babe) pero honestly hindi ko sya kilala.haha.nung lumabas sya lumabas na din kami.haha.si jenah at micah hindi pa rin nakaka-move-on.sumasayaw pa rin.haha.then proceed kami kila ricardo.haha.wala nakiinom lang.then best in walking kila etang (SSSS) then may idea-ng maganda para sa birthday ni jenah sa May 8..over night daw kila etang or kila chamie with matching new recruit or bawat isa sa amin magsasama ng kaibigan.ayun.haha then uwi na.

hay kapagod pero masaya naman.then ayos ng sarili at tulog na.