Solong nagmumuni-muni sa daan
Nilamon na ng mga liwasan
Umabot na hanggang sa damuhan
UST field kita natagpuan
Nakangiti't nakatindig, nanonood ng laban.
Sa paglipas ng mga araw lalo kang nagustuhan
Arkitekto ko nang ika'y pangalanan
Tuwing makikita ka'y tila nasa kalangitan
Ngunit sinubukang pag-ibig ay pigilan
Dahil sa huli'y ako pa rin ang masasaktan.
Linggo ang binilang bago ka muling nasilayan
Nang mga matang nag-aabang sa kawalan
Araw-araw sa pavilion ang tambayan
Umaasang ika'y makikitang dumaraan
Na kumukumpleto sa aking kakulangan.
Dumating ang araw na kinatatakutan
Nalaman ko na ang katotohanan
Simula pa lang alam ng walang aasahan
Pasensya at nadala lang ng katangahan
Ngayo'y nagseselos kahit walang karapatan.
Nanlumo sa aking nasaksihan
Kasama mo'y nakaputing kasuotan
Hinatid ng tingin hanggang sa inyong patutunguhan
Pakiramdam ay naiwanan na parang basahan
Nalungkot at naisip na ako'y talunan na naman.

~orihinal na gawa ni kenkun.
03-19-10
03-19-10
2 comments:
So well written. Ang galing galing.
maraming salamat say.:)
Post a Comment