Wednesday, November 4, 2009

COMACH LTS 3

super late post ito.
summary na lang 'to


October 27-28, 2009
UST-Los Baños. Laguna

ayun pahirapan sa pagpapaalam.gabi na lang ng October 26 ako pinayagan.o di ba.talaga namang pinaghirapan ko para makasama dito.ayun tuwang-tuwa ako nung pinayagan ako pati si bion at denni tuwang-tuwa din kasi sa kanila ko sinabi na baka hindi ako makasama.ayon.

maaga ako gumising kasi 7 am ang call time ayaw ko namang late ako.so ayun maaga ako dumating sa dorm! whoo!!! then ayun pumunta si bion sa dorm.then proceed na kami sa compav kasi dun ang meeting place.taos ayun nandun na ung iba naming co-J.O.'s then ayun kwentuhan.then unti-unti ng dumating ung mga officers at pinalagay na ung mga gamit namin sa org. room tapos lumabas na ulit kami at sabi nila magbreakfast muna kami kaya nagbreakfast kami ni bion at rod sa jollibee.then balik na.kwentuhan ulit at nung walang magawa dahil nagme-meeting ung mga officers naglaro kami.halatang mga freshmen e.xD bakit ba.minsan na lang maglaro.haha.

after a few minutes start na!!!!
ayun pinag-isip kami ng tribal name at cheer ng group namin.
nga pala mga ka-group ko sina ysa,jhoy,lyuke
at ang group name namin ay

KEN-JHOY-SA HOOLA HOO.



---amazing race---

magic word: SCHEHCHINAH SHAMMA
be careful of the EGG (binigyan kasi bawat group ng egg tapso dapat naming ingatan un.bawal mawala at mabasag)

first station: Botanical Garden
ayun may hahanaping scroll para sa next clue.ang tagal namin dun super pero sabi ko sa sarili ko "ako dapat ang unang makakita ng scroll" at fortunately kami nga un.nakita ko un sa right side e biglang dumating si ate ruth kaya hindi ko sya agad nakuha kaya kunwari kinausap-kausap ko pa sya.haha.tapos pagtalikod nya kinuha ko agad yun at swerte at group 2 ang nahanap ko which is our group no. at tumakbo na ko papunta sa iba kong groupmates.ayos!

2nd station: Grandstand (stage)
si ate L.A. ang nandun at kailangan naming mabuo ang COMACH logo at humanap ng 3 COMACH things para makuha ang next clue.ayun masaya sya.then ayun nakita na din namin at tumakbo na kmai sa may arch of the century pero mali ang station na napuntahan namin laya takbo na naman.super pagod!!!

3rd station: Quadricentennial Square


si ate Lorie ang nandun at may group na gumagawa ng challenge kaya pinaupo muna kami under the umbrellas there.pahinga na din.grabe pagod na kami pero go pa rin!!! then ayun perfect namin ang challenge na un.walang hulog! whoo!!! next station.

4th station: Tambayan sa gilid ng gym (ung malapit sa church)


si ate Bea naman ang nandun.count the squares!!! haha.ayun umupo pa kami dun.at todo bilang talaga.ahah.ayun 35 squares in all.

5th station: pav sa may med. building, likod ng hospital
si ate Cilla ang nandun.haha.masaya to ung sa triangle.babaligtarin.ung nakaharap samin na triangle ay kailangan naming paharapin sa kanya by just three moves.ayun medyo natagal kami dito kasi pagod na talaga kami.pero kailangan kaya todo isip na naman at successfully naisip ko kung paano at natapos namin.last station!!!!

6th station: Arch of the Century
ate Bianca at kuya Popoy ang nandun at ang challenge is makalusot sa pinagdusong-dugsong na goma.masaya din sya nakaka-challenge talaga! ayun maraming groups ang nandun pa at naka-detain for 30 minutes pero kami hindi sumuko.kami pa!!! whooo!!!
ayun natapos namin sya at takbo na pabalik sa Botanical Garden to finish the race at buuin na ang puzzle pero unfortunately hindi namin nabuo ang puzzle...grrr.
pero okay lang un.

lunch muna bago magbyahe papuntang Los Baños, Laguna.whooo!!!
ayun kumain sa asturias then ayun balik na agad at alis na!!!

Jeepney-Buendia-Bus Terminal-SLEX-Laguna


ayun nandun na din kami sa wakas sa venue.sa wakas! ayun pahinga muna then after tulong sa pagpapabaga at pag-iihaw picture-picture.



then dinner na then naging gambling lord ako dahil naglaro kami ng cards.
123 pass-nervous-atbp.happy.laugh
tapos may dare!!! haha.potek pole dancing napunta sa'kin.yuck!

then activities!!! whoo!!! hinati kami sa 2 groups.



hide your slippers sa mahirap
.ayun sa ibabaw ng aircon at dun sa may madilim na hagdan paakyat ko tinago.haha.then ayun kala namin ung iabng groups maghahanap tapos pinag-blindfold kami tapos kami pala maghahanap.haha.

pantomime.
movies-officers-co jos

open forum.
sa pool.

i feel something strange,i sense unrest spirits and it is positive!

tapos videoke sila after the activities.tapos humiga na ng mga magfi-five??? (not sure)
for a secret reason...


goodluck sa mga hindi natulog.antok na antok sila sa activities kinabukasan.then ayun bangon ng masama ang loob.tsss...

dr. quack-quack.?


ayun naka-blindfold pa rin tapos aayusin ng isa ang buong group.

make a perfect square and triangle using the rubber bond while blindfolded.
pero square napunta sa'min ayun unsuccessful.

arrange yourself.
'nung una nakablindfold tapos nung pangalawa sa bibig na nilagay para hindi kami makapagsalita.major ew ako dito kasi ako halos ang error.sorry group mates!

balancing the ping-pong ball
ung may iba-ibang haba ng tali tapos kailangan mabalance sya hindi dapat mahulog ang ball.nakuha naman namin ang strategy kaya natapos namin.

spider web.


haha.denni ang bigat mo.pero carry yan! masaya.last challenge to actually.

then lunch then free time hanggang 3.
tapso discussions of our next projects for the 2nd sem.
uwi na. ----


 
thank you very much everybody for a very meaningful and wonderful memory to remember.I've learned a lot!!!

No comments: