Friday, March 27, 2009

ma valedictory address..(:

To our valued school director, Rev. Fr. Rene De Leon, our school principal, Sr. Eufemia Villegas, teachers, parents, my fellow graduates, friends, good evening.
The year 2005 marked the beginning of my 4- year stay at Saint Peter of Verona Academy. I never expected that such an award awaits me. So, let me take this opportunity to express my greatest gratitude and to share this wonderful moment of my life’s happiness with you.
To our administrator, Sister Femy, thank you very much for the guidance you provided us through the years. We know that there were times that we caused you some troubles but we are sorry and we didn’t mean to hurt you. Conflicts and differences in opinions sometimes arise but through your motherly concern, these were all ironed out in time.
To our very hardworking teachers, thank you for sharing not only your knowledge but also your heart with us, for being our mentors and at the same time brothers, sisters and friends as well. We thank you for understanding all our shortcomings and we are grateful for the concern you give us all the time. “ Tunay pong maaaring makalimutan namin ang mga formulas, principles, laws, translations at terms pero sa paglabas po namin sa paaralang ito ay baon namin ang mga aral na naibahagi po ninyo sa amin na habambuhay naming hindi malilimutan.” Salamat po dahil kahit na magugulo at maiingay kami ay pinagtyagaan nyo po kaming turuan.
Fellow graduates, time really flew so fast. Parang kailan lang nang pumasok tayo ng SPVA, pero heto tayo ngayon nakasuot ng toga at handa ng lumisan. Totoo ngang ang buhay high school ay ang pinakamaligayang pagkakataon kaya’t dapat na pahalagahan. And after this night, being a student of SPVA will just be a memory. But who can forget such memories?
Lumipas ang apat na taon na maraming nangyari, marami ng nagbago ngunit may isang bagay ang hindi magbabago. Ito ang mga bagay na pinagsaluhan natin sa loob ng ating Alma Mater na ating itatabi sa isang espesyal na sulok sa ating mga puso. Kaya sa mga minamahal kong mga kamag-aral, maraming salamat dahil lagi nyo akong pinapatawa at pinapangiti kahit sa napakasimpleng paraan. For our laughters that echoed in our classroom, the bonding we’ve shared, the secrets we’ve built, the misunderstanding that made us stronger, the “sermons” that we had together, sa mga kantahang walang humpay at higit sa lahat sa mga kuwentuhang talaga namang nagpahalakhak sa lahat. My heart aches when I think of these, but still we should be happy because we spent and reached the peak of our high school life together. And besides, this is not a goodbye to everyone. We will just go separate ways to reach our dreams.
To my Mamang and Daddy- my loving and caring parents, I love you and I really thank God for having you both. Hindi ko man madalas sabihin o minsan ay idinadaan ko lang sa biro ang pagsasabi nito ngunit ako po’y seryoso mahal ko po kayo. Thank you for your unconditional love and unceasing support that you always give to me, for being my strength when things go wrong. Mang, Dad, salamat sa pagpapalakas parati ng loob ko at alam kong alam nyo lahat ng pinagdaanan at naranasan ko sa buhay ko. Salamat po sa walang sawang pag-aalaga nyo sa’kin. I am proud that you’re my parents because you mold me in a good way. Proud po ako sa inyo sapagkat pinalaki nyo akong marunong rumispeto sa mga tao lalo na sa nakatatanda sa akin. Salamat sa pagpapaunawa sa akin sa mga bagay na lumiligalig sa aking isipan. My apologies for the times I made things difficult for you.
And last but not the least, let me thank God who helps us in daily life. Without Him I wouldn’t be able to accomplish what I have now. I owe everything to Him. Thank you Lord for giving me a healthy body, a sound mind, loving parents, understanding teachers, faithful friends and helpful people around me. Thank you for everything!
Words are not enough to express what I feel right now. So before we go on separate ways, let me end this with a quote: “The man who graduates today and stops learning tomorrow is an uneducated man the day after.”
Maraming salamat po.

3 comments:

Anonymous said...

grabe. muntik na ako maiyak! haha.

janine said...

grabe. muntik na ako maiyak! haha.

kenkun said...

weh? haha.btw thanks po sa pagbasa.:)