Saturday, May 5, 2012

Sakay patungong hukay.

Kay tulin ng mga paa mong turing
Wari'y dadalhin mo kami sa aming katapusan
Habol ni kamatayan ang aming pakiramdam
Kalawit at pala nakaumang na sa libingan.

Hindi ka maabot ng iyong mga kalaban
Para kang hangin sa bilis ng pagdaanan
Di namamalayan lahat ng 'yong hinahagip
Binubulag mo kami bago patayin.

Di lang ikaw ang kaharap ng panganib
Kari ring inosente't gusto mabuhay sa daigdig
Animo'y mamatay na walang awang papaslang
Maghahatid sa'min sakay patungong hukay.

~orihinal na gawa ni kenkun
!copyright on board

Tuesday, October 11, 2011

You and I

I knew, but I play things calm
I act as if I don't even notice
I sense, I feel and I'm hurt.

You may act like it's not obvious
You have no idea how I'm feeling
You made a choice and that's what 
                  I should learn to know.

September 27, 2011
~Kenkun Original (copy right on board)

Monday, October 10, 2011

Yosi at Lighter

Bawat sandali'y anong saya
Sa oras na kasama ka
Kahit na sa bawat kwento ko'y waalng kwenta
Wala kang reaksyon ni ho o ha.

Dumating sa pagbukas ng sisidlan ng gamit
Agad pumukaw sa mata ko'y kaha ng yosi sa bulsa
Kinuha ko't nilamukos sa palad
'Di nakakuha ng lakas para tuluyang ito'y mawasak.

Kinuha mong muli ang maliit na kaha
Ibinato ng ubod lakas, gamit ang buong pwersa
Kumalansing ang bakal na tinamaan
Nakuha natin ang atensyon ng kaligiran.

"Happy?" 'yan ang tanging tinanong sa'kin
'Di makatingin at makakibo sa gulat sa nasaksihan
Nag-aalab ang mga mata at bibig s aglait sa'kin
Iniwan akong mag-isa sa ilalim ng payong metal.

Sinundan kita saan ka man nagpunta
Sa simbahan, sa palikuran at nagtapos sa upuan sa harap ng damuhan
Naubos ang tinig kaka-sabi ng "SORRY."
Ngunit nakita ko ang sariling mag-isa at wala ka na.

Nagising sa katotohanan, sa pagtigil ng mundo
Pagkatulala'y natapos, natauhan sa mga kaganapan 
Sinundan ka ngunit ni anino mo'y 'di nagpakita
Kaya lumisan at humanap ng magpapahalaga.

July 20, 2011
Kenkun Original.


Wednesday, May 18, 2011

Kuryente.

Pamaymay ang tanging katuwang sa init
Naglalagablab na panahon ang sa lamig ay kumikitil
Umaasa na lamang sa bawat ihip ng hangin
Pagsasayaw ng kurtina ang basehan ng lakas.

Sa bawat hampas ng abaniko
Anong sarap sa lamig ang nadarama
Nakahahapo ang bawat bagsak ng pawis 
Umaasang sa muling pagmulat ng mga mata'y kuryente na ang gigising.
05-05-11
12:45 PM
Bataan
~kenkun original.
copyright is on board

Sunday, April 17, 2011

Mantsa.

Malalim na sugat
Ani ko sa lubos na pag-ibig
Natamo'y walang kasing sakit
"Tama na!" na lamang ang nasambit
Sulat na nagsiwalat ng katotohanan
Aasang bukas pagsikat ng araw
WALA NA...
~kenkun original
04-17-11
6:53 pm
@home via iPhone