Sunday, October 17, 2010

karera.

09.17.10

sa pagtigil ng traffic lights
unti-unting nagdaratingan ang mga kalahok
segundo na lang ang hinihintay
haharurot na naman sila, hari ng kalsada
nag-uunahan ang dalawang gulong
berdeng kulay ang tanda, simula na nang karera
                                 karera na sariling buhay ang nakataya.
~kenkun original
-credits to Deviatart
for the photo.

Now that I'm 18.

Years flew so fast blown by the wind of time. It was like yesterday's dream that I'm on my 18th year on the face of the Earth. I can vividly remember the things that I have done if it is happiness, a mournful circumstance, a first time experience, and of course those that I do every single day of my life. Eighteen years seems so fast, but a lot of trials and challenges that I've faced and test my humanity all by myself to reach where and who I am now.

August 25, 1992, a cry of a baby boy gave bliss to those who love and waited for him for almost 9 months. Eighteen years ago...Eighteen years. Still lots of life's lesson waiting to be unfold and to be learned. The age of majority.OMG I can go to jail! But I'll never let that happen. I won't make my eighteen years of stay for that. Never an option. O don't want another mistake, another regret! I'm now, evolved through time, improved by the hindrances and I've changed for the better and definitely not for the worst.

 At exactly 12:00 am of August 25, 2010, a better, matured, tougher, braver, wiser Kenneth was born. 

Friday, September 10, 2010

Panandalian...

'Di maasahang magugustuhan
Nagsimula lamang sa tapik sa likuran
Nagalak na may banas nang pag-trip-an
Bilang taga-salo ng bola sa iskoran.

Tila isang gayumang nakakaadik
Mahika mo'y may dala-dalang sabik
Na makita kang muling humahagikgik
Sa pag-ikot ng linggo tanda ng 'yong pagbalik.

Umamin sa kaibigan
Nagyon ay nagkaalamanan
Ibig din ang nagugustuhan
Ulupong sa biro ang turingan.

Sa pavilion, isang tanghali
Dumaan ka nang walang kahalili
Dila ay tila natali
Sunod tingin na lang hanggang gusali.

Hinanap ka sa kompyuter at kinaibigan
Agad tinanggap base sa kaibigan
'Di na masukat ang kagalakan
Agad-agad na tiningnan.

Dumating ang araw nang pagkikita
Aligaga at sabik kang makita
Pagka't kupido'y puso ko ang naasinta
Kaya ngiti ko'y kay sarap ipinta.

Dalawang linggo ka ding inibig
Laging ikaw ang bukang-bibig
Ngunit isang araw naramdaman ang lamig
At pag-ibig ko'y tila yelong
    nalusaw at naging tubig.

Oo ikaw nga. Pero don't worry wala na talaga. Promise.
*orihinal na gawa ni kenkun.

Last Song Syndrome (LSS)

09-03-10
Friday.

LSS ka ba? Nakakahibang 'di ba? Paulit-ulit sa sintido. 'Di nakakasawa. Parang damo! Nakakaadik. Nakaka-high! Ito 'ung feeling na gusto mo nang tumigil pero sa tuwing maririnig mo ang kanta ay 'di mo mapigilang sumabay at makikanta. 'Di maalis sa kokote at bukang-bibig,o na? LSS ka nga!

LSS- Isang sakit na nakakaadik. Isang kanta na paulit-ulit mong naiisip sa ulo mo at kapag kinanta mo na ay matakot ka na at 'wag mo nang asahan ang mga kaibigan mo ukol dito upang maiwasang lumala ang sakit ay makahawa pa. Oo. Nakakahawa ang LSS kaya mag-ingat sa mga may LSS. Bahala ka, ikaw din baka mahawaan ka!
*orihinal na gawa ni kenkun.

May kalungkutan dahil sa ngayon ay wala pang nakikitang lunas dito. Ang tanging pag-asa mo lang ay mapalitan ang kantang umiikot sa ulo mo. 

Saturday, August 14, 2010

ecstatic.:)

unexpected.imy.