Sa dilim ng at init na ating pinagsaluhan
'Di inalintana pawis at tahimik na kapaligiran
Basta't magkasama, 'yan ang kaligayahan.
Lumipas ang bawat sandali
Kadila'y unti-unting nasasawi
Bawat hawak at halik na dumarampi
Sa lungkot ay ating pambawi.
Kamay ng relo ay umiikot
Pamaypay lang ang taking sagot
Sa init at dahil na rin sa bagot
Tayo ay natulog ng walang saplot.
Musika ang pumupuno sa silid na madilim
Habang ang usapa'y palalim ng palalim
Ang nagsusumiksik na init ay tila mga patalim
Nakabubulag na dilim ay mistulang sakim.
Gumagapang na kamay sa katawan ay gala
Naghihintay upang makagawa ng pagkakasala
Natunton ang rurok ng kaligayahan sa ginawang himala
Pumutok ang baril na puno ng tinagong bala.
Isang araw na ang nakalipas
Kuryente ay patuloy na iwas na iwas
Dilim at init na tila walang wakas
Nag-iiwan ng hindi mabuburang mga bakas.
Ika-labing isa ng gabi'y silid ay umaliwalas
Ilaw ay masayang muling nagsibukas
Pagmulat ng mata'y ngiti mo ang bumulalas
Ngiti lang din ang naisagot dahil walang nabigkas.
Natulog na lamang sa lamig at sarap ng higaan
Dahil umayaw ka sa laro ng gapangan
Ngunit sa hawak at yakap mo'y naalimpungatan
Kaya lahat ay nauwi na naman sa libugan.
Baril ay tila naubusan na ng bala
Ni isang putok ay walang ipinakawala
Libog ay nawalang parang bula
At ang lahat ng ito'y magiging isa na lamang ala-ala.
09.29.11
orihinal na gawa ni kenkun
copyright on board.