Sunday, December 26, 2010

Mga Bituing Itinakwil ng Kalangitan.

Sa roof top,
Ang lamig ng sampal ng hangin
Dampi ng lungkot ng lumipas ng araw.
Kita ko ang lawak ng paligid
Ang daming ilaw, ang tahimik ng kalye
Malayo sa nakagawiang sa naglalagablab na araw.
Ang payapa ng langit, kay lungkot ng ulap.
Nakalulula ang tayod, tila hinihinkayat kang tumalon.
Hindi sumilay ang buwan, nagtago ang mga tala.
Dama ko ang angking kinis ng bubungan
Ang alikabok na nakakalat sa hagdanang bakal.
Saksi ako sa pagtatalo ng dilim at nagpupumilit na liwanag
Hindi nakita kahit ni anino ng bulalakaw
Kaya bigo't walang nagawa't dahan-dahang bumaba
At baka magising pa ang ibang nahihimbing sa kanilang kama.
12-14-10
room 416
Saint Raymunds Building
University of Santo Tomas
8:50 AM (Human Resource Management Class)

Sunday, December 19, 2010

In Memory of my Nokia 5300.

12-17-09 how can I forget? haha. 'yan ang araw kung kelan kinuha ni Hudas sa'kin an cellphone at pera ko gamit ang hipnotismo. Ang tanga, OO ang bobo, Sobra! Pero naka-move on na ko. It's been a year 'nung nanakaw siya sa Lacson.

'Nung gabi ng 12-16-10 iniisip ko kung mananakawan ba ko kinabukasan. Sumpa na kumbaga, Paskuhan pa naman. Marmaing tao pero gising ako 'til 5 AM of 12-18 pero ano? hawak ko pa din ang cellphone ko at ang pera ko ay nakatago sa wallet ko. Walang sumpa kumbaga! saya!


Buhay pa kaya 'ung satanas na kumuha ng mga gamit ko last year? Hindi na siguro? Ako ang pinakamalakas na tatawa kung nalaman ko. Pero paano kaya siya namatay if ever? nasagasaan ng train? LRT? MRT? Nabundol ng bus? jeep? fx? taxi? pedicab?! o baka naman ng kuliglig. O well, kung ano man ang nangyari sa kanya he deserve it. Kung buhay pa naman siya MAMAMATAY ka din! 

Isa ka na alng memorya at parating na ang Iphone, konting tulog na lang.

Saturday, December 11, 2010

Pundidong Mata.

Ang hirap makita ang nasa malayo
Kay labo, kay gulo, delikado
Obligado kang lumapit, ang sakit sa ulo.

Salamin sa mata ang uso
Upang makita ang tunay na pagkatao
Pundidong mata man ang na sa'yo
Importante pa rin ang nilalaman ng puso.

-kenkun original,12-10-10,10:04 PM,room 503 D.G. Dormitory

Chasing Perfection.

Wall size mirror surrounding my hurting ego
Cameras stay put waiting for over usage
Vanity completes the perfect crime I commit
As I seek for perfection every moment of this life.

Every minute is a mirror routine
Seems like every way is a T-stage to ramp on
Feels as if daily is a fashion show
Celebrity and model the way I project on.

Come forward to take a closer look
See the imperfections that I hate to have
Scars of the past, unerasable marks
Trying hard to escape the unlimited flaws which lies within.

Frustrated and desperate to be loved 100%
Perfectionist dies with a single failure happened
No matter what I do, being perfect is impossible
Because I'm just a fool who believes that I can chase perfection.
-kenkun original, 12-10-10, 9:53 PM, room 503 D.G. Dormitory

Huling Hiling Bago ang Huling Hininga.

Kay tagal kong hinintay
Kay tagal kong inasam
Sa wakas naganap na
Na akala'y hanggang panaginip lang.

Pero huli na ang lahat
Ako'y sugatan at hapo na
Bawas na ang kilig
Dahil sa sugat na malalim.

Bakit ba kasi ngayon lang nangyari?
Huli na ang lahat para sa'tin
Pero mahal pa rin naman kita anu pa man 
Sasabihin kong muli, mahal kita. Mahala na mahal.

Pero sa tuwing naiisip kong ako lang ang umiibig
Nanunumbalik lahat ng luha't sakit sa puso
Pero hindi pa rin kita matanggihan
Isang sabi lang ay kakaripas ako, masunod ka lang.

Siguro hanggang ganito na lang talaga
Hindi ko na kailangang umasa sa'yong wala naman akong inaasahan
Sapat ng maganap ang matagal ng hiling
At pagdating ng huling oras ko ay
        nakangiti akong pipikit at lilisan sa mundong ito magpakailanman.
-kenkun original,12-06-10, 9:41 PM, room 503 D.G. Dormitory.

Saturday, December 4, 2010

Newspaper Boy.

Ang ligaya mo 'nung makita mo ang bus na sinasakyan ko
Nakuha mo ang atensyon ko dahil ika'y isang paslit lamang
    at nasa gilid na ng mapanganib na kalsada.
Nang umandar na ang bus, ikaw nama'y tumakbo na tila
    ibong lumilipad sa himpapawid.
Nakisabay, gilid sa gilid na para bang hinahabol at dinadala
    ka ng ihip ng hangin
Ang ngiti mo'y 'di matumbasan ng atik na makukuha mo sa
    paghahatid ng dyaryong hawak mo
Napagod sa paghabol, naiwanan na ng ikot ng mundo at ano
    kayang kinabukasan ang sa iyo'y nakaabang?
~Divine Grace, 11-29-10, kenkun original.