Friday, September 10, 2010

Panandalian...

'Di maasahang magugustuhan
Nagsimula lamang sa tapik sa likuran
Nagalak na may banas nang pag-trip-an
Bilang taga-salo ng bola sa iskoran.

Tila isang gayumang nakakaadik
Mahika mo'y may dala-dalang sabik
Na makita kang muling humahagikgik
Sa pag-ikot ng linggo tanda ng 'yong pagbalik.

Umamin sa kaibigan
Nagyon ay nagkaalamanan
Ibig din ang nagugustuhan
Ulupong sa biro ang turingan.

Sa pavilion, isang tanghali
Dumaan ka nang walang kahalili
Dila ay tila natali
Sunod tingin na lang hanggang gusali.

Hinanap ka sa kompyuter at kinaibigan
Agad tinanggap base sa kaibigan
'Di na masukat ang kagalakan
Agad-agad na tiningnan.

Dumating ang araw nang pagkikita
Aligaga at sabik kang makita
Pagka't kupido'y puso ko ang naasinta
Kaya ngiti ko'y kay sarap ipinta.

Dalawang linggo ka ding inibig
Laging ikaw ang bukang-bibig
Ngunit isang araw naramdaman ang lamig
At pag-ibig ko'y tila yelong
    nalusaw at naging tubig.

Oo ikaw nga. Pero don't worry wala na talaga. Promise.
*orihinal na gawa ni kenkun.

Last Song Syndrome (LSS)

09-03-10
Friday.

LSS ka ba? Nakakahibang 'di ba? Paulit-ulit sa sintido. 'Di nakakasawa. Parang damo! Nakakaadik. Nakaka-high! Ito 'ung feeling na gusto mo nang tumigil pero sa tuwing maririnig mo ang kanta ay 'di mo mapigilang sumabay at makikanta. 'Di maalis sa kokote at bukang-bibig,o na? LSS ka nga!

LSS- Isang sakit na nakakaadik. Isang kanta na paulit-ulit mong naiisip sa ulo mo at kapag kinanta mo na ay matakot ka na at 'wag mo nang asahan ang mga kaibigan mo ukol dito upang maiwasang lumala ang sakit ay makahawa pa. Oo. Nakakahawa ang LSS kaya mag-ingat sa mga may LSS. Bahala ka, ikaw din baka mahawaan ka!
*orihinal na gawa ni kenkun.

May kalungkutan dahil sa ngayon ay wala pang nakikitang lunas dito. Ang tanging pag-asa mo lang ay mapalitan ang kantang umiikot sa ulo mo.